Silipin At Mamangha Sa Eleganteng Tahanan Ng Aktor Na Si John Lloyd Cruz

Ang pagkakaroon ng sariling tahanan ay isang pangarap o ambisyon ng marami sa atin na nais nating matupad.




Bawat isang indibidwal ay may kanya-kanyang estilo o disenyo na nais pagdating sa kanyang bahay. At may mga pagkakataon din na ang mga disenyo o dekorasyon ng isang bahay ay nakabase sa personal na katangian o hilig ng may-ari nito.

Image Credit via Google

May mga ilang propesyonal na tao rin tayo na kakailanganin para maisakatuparan ang magiging estilo o disenyo ng bahay na nais natin. Ilan sa mga ito ay inhinyero, arkitekto, interior designer at iba pa na may taglay na kaalaman upang mas mapaganda pa ang isang tahanan.

Image Credit via Google

Kagaya na lamang ng magpatayo ng kanyang tahanan ang aktor na si John Lloyd Cruz, na kung saan ang tahanan niyang ito ay may pagka-elegante at kaswal.

Kung ang ilang personalidad ay ninais na maging moderno ang istruktura ng kanilang tahanan, mas nais naman ni John Lloyd na maging French-Mediterranean ang kanyang tahanan.

Makikita sa labas ng istruktura ng bahay ng aktor ay ang French-Mediterranean na estilo nito, pero pagpasok sa loob nito ay tatambad ang pagka-American design ng interior ng bahay dahil ang pinaka-unang nais niya ay nag mukha itong kumportable at kalmante sa paningin niya.

Sa Antipolo City, ipinatayo ng aktor ang “Dream House” niyang ito na may 1,100 na metro. Sina Roland Andres at Danny Lucas ang naging katuwang ng aktor para makuha niya ang nais niyang istilo at disenyo sa tahanan niyang ito.

“Kung ano man ‘yong makikita niyo dito – laman ng bahay, ‘yong dating bahay sa akin talaga, number one kung kinonsider yung comfort,” saad ng aktor. Narito ang ilang detalye sa French-Mediterranean na tahanan ni John Lloyd;

FACADE

Image Credit via Google

Sa labas pa lang ng tahanan ng aktor ay mamamangha na agad ang sino mang makakabili dito dahil sa mala-Los Angeles na dating nito.

OUTDOOR DETAIL

Image Credit via Google
Image Credit via Google

Dahil ang pamilya ng aktor ay mahilig magpakain ng nga Koi Fish, ay naglagay siya ng mini pond sa bakuran ng kanyang tahanan kung saan makikita ang mga alaga niyang Koi Fish na nagbibigay pa ng dagdag disenyo at ganda dito.

FRONT DOOR AT STAIRCASE

Image Credit via Google

Pagpasok naman sa loob ng tahanan ng aktor, ay bubungad agad sa mga bisita ang malawak na espasyo. Makikita rin agad ang hagdanan na patungo naman sa mga silid sa ikalawang palapag. Isang malaking orasan din na nakasabit sa may pader sa taas ng pintuan ang matatanaw dito, at ang orasan na ito ay mula kay Arte Español.

POWDER ROOM

Image Credit via Google

Ang mala-hotel sa ganda naman na Powder Room ng aktor sa kanyang tahanan ay matatagpuan sa may bandang ilalim ng hagdan.

DINING AREA

Image Credit via Google

Isang hapag kainang pang sampung katao na gawa sa Narra naman ang bubungad sa dining room. Ang wooden dining set na ito ay nabili ng aktor sa Linea Furniture.




Nakaharap naman ang hapagkainan s isang clear sliding door, na kung saan ay natatanaw habang kumakain ang ganda ng paligid sa labas.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *