Silipin Kung Gaano Nga Ba Kaganda Ang Isang Liza Soberano Kahit Noong Teenage Days Niya Sa High HighSchool

Ilan na nga bang magagandang artista sa showbiz industry ang nasilayan at hinangaan ng marami sa atin.




May iba pa nga sa kanila ang simula pa pagkabata ay nagsimula sa sa industriya kaya naman nasubaybayan na ng ilan sa atin ang pamumukadkad nila bilang mga dalaga kung saan ay mas lalong lumitaw ang ganda ng bawat isa sa kanila.

Image Credit via Google

Ngunit may isang aktres ngayon na tunay na hinahangaan at pinapantasya ng marami dahil sa taglay nitong ganda, at mas pinabongga pa dahil kahit mga international artist ay humahanga rin sa natural na ganda ng taglay niya.

Image Credit via Google

Hindi nga maikakaila na isa sa pinakamagandang bituin ngayon sa industriya ng showbiz dito sa ating bansa ay ang aktres na si Liza Soberano. Marami ang humahanga at talagang nagagandahan sa dalagang aktres dahil tila nakakaapekto ng mukha nito, na binagayan pa ng kanyang pointed nose.

Image Credit via Google

Muli pa ngang pinamangha ng aktres ang marami ng lumabas sa social media ang kanyang mga throwback photos nung kanyang high school days, kung saan ay nagpapatunay ang mga larawan niyang ito na kahit noon pa mang kanyang teenage days ay tinataglay na talaga niya ang natural na ganda na hinahangaan sa kanya.

Image Credit via Google

Makikita nga sa bawat larawan ni Liza na kuha noong siya ay high school pa lamang na tila perpekto talaga sa kagandahan ang kanyang mukha kahit saang anggulo pa nga ba ito tignan. At ang naging pinaka best asset nga ng aktres noon pa man ay ang kanyang pointed nose na talaga namang kinaiinggitan ng marami.

Image Credit via Google

Samantala, muli namang na-nominate ang aktres sa Top 100 Beautiful Faces 2020 ng TC Candler, kung saan ay nagwagi na siya bilang first place noong taong 2017.

Image Credit via Google

Maliban nga sa taglay na natural na ganda ni Liza Soberano, ay may angking talento rin ito sa pag-arte kaya naman hindi naging mailap sa dalaga ang maabot ang kasikatan at popularidad sa industriya.




Ilang mga proyekto, teleserye at malalaking pelikula na rin ang pinagbibidahan ng aktres na halos lahat ng mga ito ay pumatok sa takilya at mga manonood.

Image Credit via Google

Sa ngayon ay isang serye muli ang pinagbibidahan ng aktres at ito ay ang serye na Make it With You ng Kapamilya Network, kung saan ay katambal niya ang kanyang reel-and-real partner na si Enrique Gil.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *