Silipin Nyo Ang Buhay Ngayon Ni Weiying Isa Sa Mga Batang Babae Sa Pelikulang Karate Kid Noon

Naaalala niyo pa ba ang pelikula noon na Karate Kid? Kung saan ay isa sa mga naging tauhan dito ay si Jackie Chan at Jaden Smith, ang anak ni legendary Will Smith.Isa nga naman ito sa mga pelikula na talagang inabangan ng marami sa atin, lalong lalo na ng mga kabataan.




Sa pelikulang ito, ay makikita ang love interest ni Jaden sa isang Chinese skinny girl, at ito nga ay si Weiying. Talaga namang cute na cute ang dalawang ito noon sa nasabing pelikula, ngunit ngayon ay ganap na ngang mga binata at dalaga ang mga batang ito.

Image Credit via Google

Wenwen Han, ang tunay na pangalan ni Weiying sa totoong buhay, at mula nga sa pagiging isang cute at angelic face na bata, ay isa na itong napakagandang dilag ngayon.

Image Credit via Google

Ipinanganak noong August 24, 1995 si Wenwen Han at 12 taong gulang siya ng mapabilang siya sa pelikulang Karate Kid at gampanan ang karakter bilang si Weiying.

Image Credit via Google

Ang pelikula ngang Karate Kid, ang naging daan ni Wenwen upang makilala ng publiko at dito na nga nagsimula ang kanyang kasikatan hanggang sa marami ng mga oportunidad ang nagbukas para sa kanya.

Image Credit via Google

At dahil mas nakilala siya ng publiko sa kanyang pangalan Weiying sa nasabing pelikula, ay maging sa kanyang Instagram account ay ito na rin ang ginamit niya at sa ngayon nga ay mahigit 140k na ang kanyang mga followers.




Maliban nga sa pagiging isang magaling at hinahangaang actress, may ilan pang mga bagay na kinahihiligan si Wenwen. Hindi nga lamang ang galing niya bilang aktres ang hahangaan ng marami niyang tagahanga kay Wenwen,.

Image Credit via Google

dahil magaling sa pagsasayaw ay magaling din ang dalaga at isa pa sa kanyang natatanging talento ay ang tumugtog ng musika gamit ang violin.

Image Credit via Google

Makikita nga naman sa mga larawan ngayon ni Wenwen, o Weiying sa pagkakakilala ng marami, na malayo na ang narating ng dalaga sa kanyang karera ngayon bilang actress. Marami rin ang humahanga ngayon sa dalaga, dahil mula sa kanyang pagiging cute na bata noon sa pelikulang Karate Kid, ay isa na siyang ganap na napakagandang dalaga ngayon.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *