Simpleng Handa Ni Kuya Para Sa Kaarawan Ng Kapatid Inantig Ang Puso Ng Mga Netizens

Hindi lahat sa atin biniyayaan ng magandang buhay nang tayo ay isilang. Marami sa atin ang hindi pinalad na ipinanganak sa isang masayang pamilya. Kaya naman, sa murang edad ay naranasan na natin ang hirap ng buhay hanggang sa ating pagtanda. Ito ang karaniwang dahilan kung bakit tayo pagpupursige sa buhay. Ngunit bilang isang Pinoy, hindi natin alintana ang kahirapan upang maging masaya. Ugali na nating mga Pinoy ang maging masaya sa kahit anong paraan na alam natin. Sa gitna ng kahirapan, at trahedya, hindi pa rin natin kalimutan ngumiti..

Photo Credit: Darryne/Facebook




Mahilig tayo magdiwang ng mga okasyon at ugali na rin natin mangimbita ng ating mga kaibigan upang may pagsaluhan sila sa espesyal na okasyon. Kung ating mapapansin, tuwing piyesta sa isang bayan, maraming mga bahay ang naghahanda ng mga pagkain para sa kanilang mga bisita. Ganito rin ang sitwasyon kapag may kaarawan ang isang miyembro ng pamilya lalung-lalo na ang mga bata. Ngunit, paano kung kapos o salat ka sa pera? Paano mo mabibigyan ng handa ang iyong anak o iyong kapatid?

Hindi ikinahiya ni Darryne sa publiko ang “effort” na kanyang ginawa para sa kanyang bunsong kapatid. Trending ngayon sa social media ang litrato ng ni Darryne kasama ang kanyang bunsong kapatid na nagdiwang ng kanyang ika-anim na taong kaarawan. Matapos niyang batiin ang kanilang bunso, humingi siya rito ng paumanhin dahil hindi niya raw na pagbigyan ang hiling na regalo ng kanyang kapatid. Humingi rin siya ng paumanhin dahil kaunti lamang ang handang nakayanan niya para sa bunso.

Kalakip ng kanyang mensahe ay ang litrato nila ng kanyang kapatid na may hawak na papel na may nakalagay na “06.” Makikita rin sa litrato ang mga handa ng bunsong kapatid ni Darryne: isang platong manok, hamburgers, at footlongs sandwiches. Bagama’t simple lamang at walang gaanong handa, kitang-kita naman sa mukha ng kanyang bunsong kapatid ang labis na kasiyahan sa inihanda ng kanyang kuya para sa kanya. Maraming mga netizens ang natuwa sa ginawa ni Darryne para sa kanyang bunsong kapatid dahilan upang magkaroon ito ng mahigit 180,000 na reactions at 46,000 shares sa Facebook.




Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *