Sinalubong Ng Aktres Na Si KC Concepcion Ang Bagong Taon Sa Mala-Paraisong Lugar Ng Palawan

Sa kabila ng hindi na pagiging aktibo ni KC Concepcion sa telebisyon o pagawa ng mga pelikula, ay patuloy pa rin namang nagbibigay ng update patungkol sa mga pangyayari sa kanyang buhay ang naturang dalaga sa kanyang mga tagahanga.




Makikita nga sa social media ng panganay na anak ni Mega Star Sharon Cuneta na si KC, ang madalas nitong pagbabahagi ng kanyang mga larawan, kung saan ay ipinapakita niya ang mga bagay na kanyang pinagkaka-abalahan ngayon o di kaya naman ay mga lugar na kanyang pinupuntahan.

Photo Credit: itskcconcepcion/Instagram

At ang pinakabagong update ng ani KC Concepcion sa kanyang social media account ay ang naging masayang pagbabakasyon niya sa El Nido, Palawan kung saan dito na rin sinalubong ng dalaga ang Bagong Taong 2021.

Photo Credit: itskcconcepcion/Instagram

Sa mga ibinahagi ngang larawan ni KC na kuha sa mala-paraisong lugar ng El Nido, Palawan ay talaga namang makikita ang naging pagbabandera ng dalaga ng kanyang kagandahan lalo na ng kanyang seksing pangangatawan.

Photo Credit: itskcconcepcion/Instagram

Mapapansin nga ang isang larawan ni KC nalitaw na litaw ang kanyang kagandahan sa kanyang suot na yellow dress, habang masayang nakatingin at nakangiti sa harap ng kamera. Kalakip naman ng larawan na ito, ay ang caption niya na punong-puno ng pag-asa para sa Bagong Taong 2021.

Photo Credit: itskcconcepcion/Instagram

“Finally ’21 Adulting [yellow heart emoji] To reap the rewards of the lessons learned in 2020 is the hope for the new year ahead. Happy New Year everyone!”

Photo Credit: itskcconcepcion/Instagram

Mula naman sa iba pang post ni KC ay makikita ang naging mainit niyang pasalubong sa Bagong Taon 2021, dahil sa talagang pinalitaw niya ang kanyang taglay na kaseksihan ng ibandera niya ang kanyang larawan kung saan siya’y nakasuot ng swimsuit habang siya ay nasa dalampasigan.

Photo Credit: itskcconcepcion/Instagram

Tila nga nagbigay dagadag pa sa kagandahan ng tanawin ng El Nido, ang ganda at kaseksihan na taglay ni KC, lalo pa’t kapansin-pansin ngayon ang pagiging blooming ng dalagang aktres.

Photo Credit: itskcconcepcion/Instagram

“Ending the year with a sea emotion… [anchor emoji] This year we learned that when faced with hards times, it’s our choice to either sink, or swim. Keep swimming”, ang isa pa nga sa makikitang post ni KC, sa kanyang IG account.




Base nga sa mga larawan ni KC, ay naging masaya at talaga namang nag-enjoy ang dalagang aktres sa kanyang naging bakasyon sa El Nido, Palawan.

Photo Credit: itskcconcepcion/Instagram

Samantala, naging masaya rin ang pagdiriwang ni KC ng Kapaskuhan, dahil kasama niya sa araw ng Pasko ang kanyang inang si Sharon Cuneta.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *