Singer Na Si Lani Misalucha Nanirahan Ng Tatlong Buwan Sa Bahay Ni Willie Revillame Kasama Ang Kanyang Asawa

Matapos ang ilang linggong bakasyon, ay nagbalik live na muli sa telebisyon ang programang Wowowin/Tutok to Win ng Tv host na si Willie Revillame, na mapapanood araw-araw sa Kapuso network GMA-7.




Batid natin na ilang taong ng namamayagpag sa telebisyon ang programa na ito ni Willie Revillame, at ito ay dahil nga sa talagang maraming mga manonood ang talagang tumangkilik sa “Wowowin” dahil sa napakaraming mga tao ang natulungan nito.

Image Credit via Google

Dahil sa maraming mga manood ang sumusubaybay, ay patuloy pa rin ang pagbibigay tulong, ligaya at pag-asa sa lahat ng nasabing programa hanggang ngayon.

Image Credit via Google

Samantala, nito nga lamang ika-4 ng Enero 2021, ay nagbalik live television na ang “Wowowin/Tutok to Win” ni Willie Revillame, ngunit bago pa sumapit ang araw ng pagbabalik live nito sa telebisyon ay nakapayam muna ng Cabinet Files ang Tv host noong Linggo ng umaga.

Image Credit via Google

Sa nasabi ngang panayam ay ibinahagi ni Willie, na ang taong 2021, ay isa sa mga taon sa kanyang buhay na magiging makasaysayan. Ito ay dahil ngayong taon na ito ay ipagdiriwang na niya ang kanyang ika-60 taong kaarawan.

Image Credit via Google

Ang kaarawan nga ni Willie, ay sa nalalapit ng petsa ng ika-27 ng Enero 2021, ngunit ayon sa TV host, ay kahit nalalapit na ito, ay wala pa rin siyang naiisip na plano, kung ano at paano niya ito ipagdiriwang.

“Wala pa akong naiisip na plano sa birthday ko. Dapat simple na lang. mahirap ang situation ng buhay natin. Bawal pa ang magsaya”, pahayag nga ni Willie.

Dahil nga sa pagkakaroon ng mga restriksyon ngayon, lalo na pagdating sa mga salo-salo at pagtitipon-tipon ay mas nais umano ni Willie na ipagdiwang na lamang ng simple ang kanyang kaarawan.

Hindn naman maikakaila na sa dami ng natulungan ni Willie, ay marami ang nagmamahal sa Tv host. Kaya naman hiling ng maraming mga tagahanga ni Willie para sa kaarawan nito, ay ang perpektong kalusugan niya, at ang patuloy na pag-arangkada ng kanyang programa sa telebisyon, upang mas lalong marami pa siyang taong matulungan.

Hindi nga lamang mga simple o ordinaryong mga mamayan ang nagawang tulungan ni Willie, dahil kahit kanyang mga kapwa artista at kaibigan sa indutriya ay pinatunayan din ang pagiging matulungin ng Tv host.

Isa na nga sa mga ito, ay ang kaibigan ni Willie sa industriya, ang mang-aawit na si LanieMesalucha, na ikinuwento na minsan na siyang pinatuloy ng Tv host sa tahanan nito, kung saan ay tatlong buwan siyang nanirahan kasama ang kanyang asawa at ito nga ay nangyari noong kasagsagan ng krisis.

“Three months kaming nag-stay sa bahay niya. Nakaktuwa yang tao nay an. He’s very generous and caring”, saad ni Lani, ng makapanayam rin ito ng Cabinet Files noong ika-17 ng Disyembre 2020.

Noon ngang ika-3 ng Hunyo noong nakaraang taong 2020, ay minsan ng naging guest ng Tutok to Win si Lani Mesalucha, kung saan ay nabanggit ni Willie na noon nga ay hindi niya talaga kilala ang naturang Filipina singer na tinaguriang “Asia’s Nightingale”, lalo na noong una niya itong makita sa isang show sa Las Vegas.




Ayon nga kay Willie, gulat na gulat pa siya noon, ng malaman niya na isa palang Pinay ang mang-aawit na kanyang pinapanood.

Ibinahagi din ng Tv host, na mula ng magkakilala sila nil ani Mesalucha, ay nagsimula na rin ang mabuting pagkakaibigan nilang dalawa, kaya pati ang asawa nito ay naging kaibigan na rin niya.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *