Singer Ng “Bakit Nga Ba Mahal Kita” Roselle Nava Masaya At Tahimik Na Namumuhay Ngayon Kasama Ang Kanyang Pamilya

Kamakailan lamang ay isang dalaga na kinilalang si Gigi de Lana ang nag-viral ang livestream sa social media, ito nga ay dahil sa kanyang naging magandang pag-awit at maataas na pagbirit ng sikat na witin noon na “Bakit Nga Ba Mahal Kita”, na isa sa mga pinasikat na magandang awitin ng mahusay na singer noon na si Roselle Nava.




Maliban pa nga rito ay inaawit rin ni Gigi ang iba pang mga naging sikat na awitin ni Roselle, kagaya na lamang ng “Maniniwala Ba Ako”, “Dahil Mahal na Mahal Kita”, Laging Ikaw Pa Rin” at “Huwag Ka ng Babalik.”

Image Credit via Google

Matatandaan na isa sa mga sikat na mang-aawit noong dekada 90 si Roselle Nava, ang kanyang husay at talento sa pag-awit ay talaga namang hinahangaan ng marami dahil sa tuwing siya’y umaawit ay talaga namang madarama ang bawat mensahe na nais na ipahiwatig ng awitin.

Image Credit via Google

Dahil nga sa kanyang talento, at maraming mga pinasikat na awitin ay naging isa si Roselle sa mga in-demand diva noon at tinagurian pa nga siya noon na Philippine Pop Queen/Sentimental Diva. Taong 1992 hanggang 1997 sa kasagsagan ng tagumpay ng karera ni Roselle ay napabilang siya sa Ang TV isa sa mga popular na youth-oriented show noon ng ABS-CBN.

Image Credit via Google

Ilan nga sa mga artista na kanyang nakasabayan sa pamamayagpag ang karera ay sina Antoinette Taus, Angelu de Leon, Rica Peralejo, Victor Nero, Claudine Barreto at Jolina Magdangal. Tulad ni Roselle ang iba sa mga kasabayan niyang ito ay hindi na rin aktibo ngayon sa mundo ng showbiz.

Image Credit via Google

Mula naman taong 1995 hanggang taong 2004 ay ipinamalas ni Roselle ang kanyang husay bilang isang mang-aawit sa telebisyon sa programang ASAP, at dito nga ay mas lalo pa siyang nakilala at hinahangaan ng maraming mga manonood. Pinatunayan pa lalo ni Roselle na talaga namang kahanga-hanga ang talento na mayroon siya, matapos ngang walong buwan na manatiling number one sa radio charts ang kanyang hit song na “Bakit Nga Ba Mahal Kita.”

Image Credit via Google

Samantala, matapos nga ang ilang taong pamamayagpag ng karera ni Roselle bilang isang mang-aawit, ay ilang taon na rin naman natin itong hindi nasisilayan sa telebisyo, dahil sa hindi na nga ito aktibo sa kanyang showbiz career.

Marami nga sa mga tagahanga ni Roselle ang nais malaman kung ano na nga ba ngayon ang buhay ng sikat na singer na hinangaan nila noon dahil sa mga madamdamin nitong awitin. Ayon sa mga ulat, ngayon ay masayang namumuhay si Roselle Nava kasama ang kanyang pamilya.

Ikinasal siya noong Ika-18 ng Enero taong 2010 sa Manila Cathedral sa kanyang dating business partner na si Allen Ford Lee Tan. Nagsimula umano ang magandang samahan at pagtitinginan ng dalawa ng sila ay magkakakilala dahil na rin sa kanilang mga kaibigan.
Ang buhay ni Roselle kasama ang kanyang asawa ay mas naging makulay pa ng ang pagsasama nilang dalawa ay mabiyayaan ng dalawang supling na panay lalaki, ito ay sina Rafa at Ram.

Ilang taon naman matapos lisanin ni Roselle ang mundo ng showbiz, ay nakipagsapalaran ito na pasukin ang pulitika, at taong 2016 nga ay nahalal ito bilang councilor sa Paranaque.
Huli namang napakinggan ng marami ang magandang tinig ni Roselle ng ito ay sumali sa Masked Singer Pilipinas bilang si Adarna, ngunit hindi ito pinalad na manalo. Ayon nga sa singer, tinanggap niyang gawin ang Masked Singer Pilipinas, dahil sa kanyang pamilya na madalas ngang nanonood ng American version ng nasabing programa.




Noon ngang nakaraang buwan ng Marso ay nagdiwang na ng kanyang ika-43 taong kaarawan si Roselle at sa kabila nga ng kanyang edad na ngayon ay naging kapansin-pansin sa maraming netizens na tila walang naging pagbabago sa hitsura ng noon ay sikat na singer.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *