Ang aktres na si Cristine Reyes ay isa sa mga aktres sa showbiz na talaga namang hinahangaan hindi lang sa kanyang nagking husay bilang isang mahusay na artista kundi dahil na din sa kanyang napakagandang mukha at taglay na karisma.
Siya ay unang nakilala sa showbiz ng sumali siya sa StarStruck ng GMA-7, at doon na nga nagsimula ang kanyang mga proyekto mapa-telebisyon man o malalaking pelikula. Limang taon din siyang naging Kapuso star, bago pa man nga siya nagdesisyon na lumipat sa ABS-CBN, kung saan mas lalo niyang naipamalas ang kanyang husay bilang isang aktres.

Pagdating naman sa personal na buhay ni Cristine, ay matatandaan na ikinasal siya kay Ali Khatibi, ngunit ang kanila ngang pagsasama ng asawa ay hindi naman nagtagal. Sa kabila nito, ay nagkaroon naman ng bunga ang kanilang naging pagmamahalan, at ito nga ay ang nag-iisang anak ni Cristine na si Amarah.

Kahit naman umano hindi na nagsasama ang dating mag-asawa, ay nanatili ang pagkakaibigan sa kanila lalo na’t ito ang makakabuti para sa kanilang anak.
Laging nagta-travel abroad ang mag-inang Cristine at Amarah, lalo na nu’ng wala pang krisis, kung saan ay ang paborito ngang puntahan ng anak ng aktres ay ang mga beach sa mga lugar na kanilang pinupuntahan.

Noong ika-30th birthday ni Cristine ay nagbaksyon sila ni Amarah sa Thailand, kung saan ay kasama rin nila ang kanyang ate na si Ara Mina, isa ring kilalang aktres sa showbiz.
Tulad nga ni Cristine ay napakagandang bata rin ng kanyang anak na si Amarah.

At minsan nan gang sinabi ng aktres noon sa kanyang mga naging panayam, na nais rin ni Amarah na mag-artista pag laki nito. Kaya naman upang makita ni Amarah kung paano ang trabaho ng isang artista, ay madalas ngang isinasama ni Cristine ang anak sa kanyang mga tapings.
Sa ngayon nga ay 32-taong gulang na ang aktres na si Cristine Reyes, at ang kanya namang anak na si Amarah ay 6-taong gulang na. Kahit naman mag-isang pinapalaki at itinataguyod ni Cristine ang anak, ay masaya naman ang kanyang buhay bilang isang ‘single mom’, dahil ayon nga sa kanya ay sapat na ang anak niyang si Amarah para siya’y maging masaya at patuloy na maging matapang sa mga hamon ng buhay.