‘Single Mom’ Ruffa Gutierrez Naging Isang Matapang, Responsable At Mapagmahal Sa Kanyang Mga Anak

Kahit na mag-isa at single mom ng beauty queen actress na si Ruffa Gutierrez ay hindi naman ito naging hadlang sa kanya upang maitaguyod at mabigyan niya ng magandang kinabukasan ang kanyang mga anak. Maliban pa dito ay nagawa rin niyang busugin ng pagmamahal at pag-aaruga ang kanyang mga anak, kaya naman ang mga ito ay napalaki niyang maayos at mabubuting tao.




Matatandaan na noong taong 2003 ay ikinasal si Ruffa kay Yilmas Bektas at ang pagsasama nga nila ay nabiyayaan ng dalawang anak na babae at ito nga ay sina Lorin Gabriella at Venezia Loran. Ngunit ang matamis na pagmamahalan nga ng mag-asawang Ruffa at Yilmas at nauwi rin si hiwalayan noong taong 2007.

Image Credit via Instagram

Sa kabila ng naging kasawian sa pag-ibig, ay hindi naman nagpadala sa lungkot ang beauty queen-actress na si Ruffa sapagkat nagbigay ng tapang at tatag sa kanya na harapin ang buhay ay ang kanyang dalawang anak. Para nga kay Ruffa ay sapat na ang dalawang anak niya upang siya ay mabuhay ng masaya.

Image Credit via Instagram

Samantala, bilang isang single mom ay pinatunayan ni Ruffa na kahit siya ay mag-isa ay kaya niyang itaguyod ang kanyang mga anak at busugin ang mga ito ng pagmamahal. At kahit dalawang responsibilidad ang ginagampanan niya sa mga ito kung saan bilang ina nga at ama, ay matagumpay niya nga itong nagagawa sapagkat ang pagmamahal niya sa mga anak ang nagpapatibay sa kanyang loob.

Image Credit via Instagram

Bilang iang ina ay proud naman talaga si Ruffa sa kanyang mga anak, lalo na sa bawat mga achievement na napagtatagumpayan ng mga ito sa kanilang buhay. Palagi lamang ding naka-suporta si Ruffa sa kanyang mga anak, at umaagapay sa mga ito.

Image Credit via Instagram

Makikita sa social media account ni Ruffa ang madalas niyang pagbabahagi sa mga achievement ng kanyang mga anak, at bakas naman sa mga caption na inilalakip niya sa mga ito kung gaano niya ipinagmamalaki ang mga anak niya at kung gaano nga niya kamahal ang mga ito.

Image Credit via Instagram

Kamakailan nga lamang ay nagbahagi si Ruffa ng larawan nilang mag-iina, kung saan ito ay nilakipan niya ng nakakaantig na mensahe para sa kanyang mga anak. Saad niya sa kanyang caption, hindi siya magsasawang mahalin at suportahan ang kanyang mga anak, at palagi nga lamang siyang nasa tabi ng mga ito.

“I had a precious moment with my daughters this morning that ended with hugs, kisses and tears. Always know that I am here for you and I will love you unconditionally no matter what”, ani Ruffa.




Ang panganay na anak ni Ruffa na si Lorin ay nasa edad 18 na at ito nga ay kasalukuyang nag-aaral sa bansang Amerika kung saan ay kumukuha ito ng kursong Economics Program sa Pepperdine University sa Malibu. California, samantala ang bunsong anak naman niyang si Venice at 17-taong gulang na noong magdiwang ito ng kaarawan nu’ng ika-11 ng Setyembre taong 2021.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *