Sino Nga Ba Ang Mas Magaling Mag Budget Ng Pera Babae O Lalaki?

Hindi na natin maipagkakaila na pagdating sa mga gawaing bahay, mga babae talaga ang eksperto diyan. Nagsisilbi silang “search and rescue team” tuwing may mga hinahanap tayong mga bagay katulad ng damit o kaya’y mga mahahalagang gamit na kung saan-saan lamang natin nilalagay. Sila rin ang responsable sa pagpapanatili ng kalinisan ng ating bahay at sa pag-aalaga ng mga anak. Maliban pa rito, sila rin nagsisilbing “financial manager” ng pamilya kung bina-budget nila ang pera para sa isang buwan na kailangan ng kanilang pamilya.




At ito nga ang napatunayan ni Kevz Ching sa kanyang asawang si Bhey Nerviol Viduya. Sa Facebook account ni Kevz, binahagi niya ang mga rason kung bakit asawa niya ang may hawak ng kanyang ATM card kung saan doon pumapasok ang kanyang buwanang sahod.

Ayon kay Kevz, asawa niya ang may hawak ng kaniyang sahod hindi dahil “under” siya nito o takot siya sa kanyang asawa kundi dahil mas magaling raw humawak ng pera ang mga asawang babae kaysa lalaki. Sabi ni Kevz, akala raw ng iba ay madali mag-budget ng pera pero kung tutuusin raw, mahirap lalo na sa panahon ngayon kung saan nagmamahalan na ang presyo ng mga bilihin pati na rin ang mga bayarin sa tubig, at kuryente na siyang pangunahing pangangailangan ng isang pamilya.

Bagama’t walang napupuntang pera sa kaniya kahit sarili niyang sahod iyon, okay lang naman daw dahil para naman daw sa kanyang pamilya ang kanyang pera. Natutuwa rin raw siya dahil alam niyang natutupad niya ang kanyang responsibilidad bilang ama ng kanyang anak at bilang asawa.

Hindi rin raw basehan kung gaano kalaki o karami ang kinikita mo para sabihing may pera ka, ang importante ay marunong mag-budget ang iyong asawa para makapag-ipon kayo. Natutuwa raw si Kevz dahil nakapag-ipon sila sa pamamagitan ng pag-budget ng kanyang asawa. Isa lamang itong patunay na talagang mas magaling nga humawak ng pera ang mga babae.




Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *