Sino Nga Ba Sa Mga Artista Ang Napupusuan Ng Dating Darna Star Na Si Miss Lorna Tolentino Na Gaganap Bilang Darna Ng Bagong Henerasyon

Nagkakagulo ngayon ang mga netizen dahil hanggang ngayon ay wala pa ring pinipiling gaganap bilang Darna. Matatandang nito lamang ay kailangang umatras ni Liza Soberano bilang Darna dahil nasangkot siya sa isang finger injury. Nangyari ito sa kaniya habang ginagawa niya ang programang Bagani noon. Naging dahilan ito upang hindi na magpatuloy si Liza bilang si Darna dahil mabigat ang mga kaganapan na gagawin ni Liza sa paggawa ng Darna.




Kaya naman, nag-anunsyo ang Star Cinema ng isang audition para sa mga nais na gumanap bilang Darna. Maraming mga netizen ang nakapansin sa kakaibang dating ng aktres na si Nadine Lustre. Ayon sa kanila, si Nadine raw ang karapat-dapat na maging si Darna. Hindi kasi biro ang gumanap bilang isang Darna dahil simbolo na ito ng mga Pinay simula noon. Isa rin ito sa mga natatanging palabas na orihinal na gawa ng komikerong si Mars Ravelo.

Hindi lang naman mga netizen ang nakapansin sa taglay ni Nadine dahil ito rin ang opinyon ni Direk Erik Matti. Pero maliban sa mga masugid na taga-suporta ng programang Darna, isa sa mga nanabik sa kung sino ang magiging susunod na Darna ay ang mismong aktres na gumanap bilang Darna noon na si Lorna Tolentino.

Ayon kay Lorna, natuwa raw siya nang mapanuod niya ang video ni Nadine kasama si Donnalyn Bartolome kung saan nag practice itong sumigaw ng Darna. Sinabi rin ni Lorna na marami namang nag-audition para sa karakter dahil lahat naman raw ata ng aktres ay nais na maging si Darna. Ikuwinento rin ni Lorna ang kaniyang alaala noong siya ay gumanap bilang Darna. Siya raw ang kauna-unahang Darna na nagsuot ng bathing suit, isang one-piece bathing suit at hindi raw bikini.

Ibinahagi niya rin kung gaano kahirap ang kaniyang pagganap noon dahil wala raw safety equipments na nakakabit sa kaniya noong mga panahong iyon at kinakailangan niya pang tumuntong sa mesa para lamang makunan ang mga eksena kung saan lumilipad si Darna. Wala rin raw ang karakter ni Ding noong mga panahong iyon.

Maliban pa rito, nakasakit pa raw si Lorna habang ginagawa ang Darna dahil hindi niya raw maayos ang pagkakaakto ng eksena kung saan may pinukpok siyang lalaki na natamaan niya talaga ng literal. Para kay Lorna, traumatic raw ang pangyayaring iyon.
Sino kaya ang susunod na magiging Darna?




Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *