Sino Nga Ba Sa Totoong Buhay Ang Girlfriend Ni Eddie Garcia o Mas Kilala Bilang Don Emilio Sa “Ang Probinsyano”?

Sino nga ba naman ang hindi nakakakilala sa beteranong aktor na si Eddie Garcia? Sa katunayan, hindi lang siya aktor, direktor din siya at nakagawa na siya ng higit 300 mga pelikula. Siya lang rin ang natatanging aktor na nakatanggap ng tatlong award sa FAMAS Hall of Fame; ang pagiging Best Actor, Best Supporting Actor at Best Director. Pero hindi lang iyan, alam mo bang 89 taong gulang na siya?




Pero mas kilala si Eddie Garcia sa kanyang mga pagganap sa iba’t-ibang mga pelikula bilang isang kontrabida. Pero sa ngayon, mas kilala siya bilang si Don Emilio sa programa ng ABS-CBN na “Ang Probinsyano. Ngunit ngayon, mas naging matunog ang pangalan ni Don Emilio, dahil maliban sa kanyang napakagaling na pag-arte, mayroon siyang girlfriend na ubod ng “sexy” at batang-bata!

Ngunit sino nga ba ang babae sa likod ng karakter na iyon? Si Mariam Al-Alawi o mas kilala bilang Ivana Alawi ay ang babae sa likod ng karakter bilang girlfriend ni Don Emilio sa Ang Probinsyano. Siya ay isang Fil-Moroccan at ang ate ng child star na si Mona Louise Rey.

Sa katunayan, dati nang sumali si Mariam sa programa ng GMA na StarStruck, ngunit matapos ang programa, hindi na nasilayan pang muli sa harap ng kamera si Mariam. Matapos ang ilang taong pananahimik, nagbalik si Mariam sa telebisyon ng lumabas siya sa programang pinagbibidahan ni Barbie Imperial at JM De Guzman na Precious Hearts Romances Presents: Araw Gabi.

Matapos naman ang Araw Gabi, ginulantang naman ni Mariam ang social media dahil sa kanyang nakakawindang na pagganap bilang kasintahan ni Don Emilio at syempre, dahil sa kanyang tinataglay na karisma at ganda. Inamin rin ni Mariam na naging inspirasyon niya si Ellen Adarna.

Kaya naman marami ang namangha sa istorya ng kanyang buhay lalung-lalo na sa mga kababaihang nangangarap pumasok sa industriya.




Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *