Siya Pa Ang May Ganang Magwala Kahit Siya Na Ang Nagloko

Masakit ang maloko ng taong pinagkatiwalaan mo ng iyong puso. Hindi biro ang sakit na ating kailangan tiisin kung sa isang araw ay magdesisyon na lang sila na hindi na nila tayo mahal. Kakaibang pait ng damdamin ang ating nararamdaman at ang mas masakit pa rito, kailangan nating tiisin ang bawat oras na makikita natin ang ating minamahal na may kasama nang iba. Gusto nating magwala, at gusto nating manakit, pero hindi pwede dahil alam natin hindi na maibabalik ang dati.




Pero sa sitwasyon nina Charlie Lozada at Sheerlyn Lozada, iba ang nangyari. Matatandang nag-viral ang kwento ng mag-asawa matapos magtungo ni Charlie sa tanggapan ni Raffy Tulfo upang ireklamo ang kanyang misis na nagtatrabaho sa ibang bansa dahil mayroon raw itong kalaguyong iba sa ibang bansa.

Pinilit na ayusin ni Raffy Tulfo ang sigalot sa pagitan ng dalawang magkasintahan at sa tulong ng Overseas Workers Welfare Administration (OWWA), napauwi nila si Sheerlyn mula sa Jeddah. Sa katunayan, gusto pang makipagbalikan ni Charlie kay Sheerlyn sa kabila ng kasalanang ginawa nito sa kanya. Ginusto ito ni Charlie para sa kanilang mga anak dahil gusto nitong magkaroon at lumaki sa maayos na pamilya ang kanyang mga anak.

Ngunit nang dumating sina Charlie at ang kanyang mga anak sa OWWA, laking gulat ng lahat nang si Sheerlyn pa ang nagwala sa opisina at si Charlie pa ang humihingi ng pagkakataong makipagbalikan sa kanya. Bagama’t si Sheerlyn ang may kasalanan kay Charlie, si Sheerlyn pa ang may ganang magwala at mags isisigaw sa opisina ng OWWA.

Kahit ganoon, mapagkumbaba pa rin si Charlie na humingi ng pagkakataon kay Sheerlyn. Kinakailangan pang awatin at panahanan ng mga opisyales ng OWWA si Sheerlyn para lamang tumigil ito. Sa huli, huminahon naman si Sheerlyn at nagdesisyon ang dalawa na maging magkaibigan na lamang.

Maraming netizens ang nagalit at nainis sa inasal ni Sheerlyn. Tutuloy muna si Sheerlyn sa General Santos City habang si Charlie ay mananatili sa Makati para bantayan ang kanyang mga malaking mga anak.




Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *