Siya Pala Ang Anak Ng Komedyanteng Si Jose Manalo Na Isa Pa Lang Lisensyadong Doctor

Maliban sa pagiging isang mahusay at popular na komedyante at TV host ng longest running noontime show na Eat Bualaga sa ating bansa ay isa ring ama sa kanyang mga anak si Jose Manalo. At dahil nga sa kanyang naging pagsusumikap ay matagumpay din niyang nabigyan ng magandang karera sa buhay ang kanyang mga anak.




Isa nga sa mga anak ni Jose na ngayon ay matagumpay ang karerang tinatahak sa buhay nito ay si Myki Manalo, ang napakaganda at napakatalino na anak na babae ng komedyante.

Photo Credit: mykimanalo/Instagram

Si Myki Manalo ay 21-taong gulang, at taong 2021 ng siya ay magtapos sa De La Salle University sa Manila ng kursong Bachelor of Science in Psychology. Maliban dito ay nagtapos din ang dalagang anak ni Jose ng Doctor of Medicine sa FEU-NRMF Institute od Medicine at ngayon nga ay ganap na siyang isang lisensyadong doktor.

Photo Credit: mykimanalo/Instagram

Ayon sa mga ulat, si Myki Manalo ay mahilig sa pagsi-swimming kung saan tila ito na nga ang kanyang nagiging ehersisyo kaya naman fit ang kanyang pangangatawan. At tulad ng ama niyang si Jose Manalo at kapatid niya na si Benj Manalo, ay mahilig din si Myki na kumanta, sumayaw at umarte.

Napabalita noon na si Myki ay in-a relationship sa kanyang nobyong si Paolo, ngunit ngayon nga ay mapapansin ng burado na ang kanilang mga larawang dalawa sa social media account ng dalaga. Mapapansin naman na ang madalas na lamang ibahagi ni Myki sa kanyang social media ay ang kanyang mga larawan na kasama ang kanyang 6-months old baby girl na si Myka Isabel.

Photo Credit: mykimanalo/Instagram

“The love of my life, my princess, my dearest Isa, turns 6-months old today! Being your mama is and will always be the greatest thing that has happened to me. I love you so much, anak! Forever.”

Photo Credit: mykimanalo/Instagram

Matatandaan naman na noong nakaraang taon ay nagbahagi si Myki ng isang nakakaantig na mensahe para sa kanyang amang si Jose, kung saan ay kanyang ibinahagi ang isang hindi niya makalimutan na pangyayari na mas napatunayan niya kung gaano siya sinusuportahan ng kanyang ama.

Photo Credit: mykimanalo/Instagram

“I remember this one time back in college when I had personal problems and I was being particularly difficult. I didn’t attend all my class one day, even missed an exam, and you caught me. Surprisingly, you didn’t get mad. You were unusually calm. You picked me up from where I was, brought me to an ice cream place near DLSU and just remained quiet.

Photo Credit: mykimanalo/Instagram




“Eventually I cried so hard. I couldn’t stop. You hugged me. We stayed like that for a long while. No words were needed. You understood me. You always stood by my side. Your mere presence was enough to get me through. I yearn for it daily. I miss you daddy. Please keep yourself, happy and healthy”, ang naging saad ni Myki sa mensahe niya sa kanyang ama.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *