Siya Pala Ang Bilyonaryong Nobyo Ng Aktres Na Si Sue Ramirez

Happily, inlove ngayon ang isa sa mga magagagandang aktres sa industriya ng showbiz na si Sue Ramirez sa kanyang gwapo at mayamang boyfriend na si Javi Benitez.




Ngunit sino nga ba si Javi Benitez? Marahil ay marami sa atin, lalo na sa mga tagahanga ng aktres ang nais malaman kung ano ang katauhan at personalidad ng binata. Kaya naman narito ang ilang mga impormasyon patungkol kay Javi, kung saan ay napag-alaman nga na maliban sa pagiging gwapo nito ay isa rin pala itong bilyonaryo.

Photo Credit: sueannadoodles/Instagram

Si Javier Lopez Benitez o mas kilala nga ngayon bilang si Javi Benitez ay isinilang noong ika-8 ng Oktubre taong 1994 sa lungsod ng Quezon City. Siya ay lumaki sa Maynila ngunit tila mula sa Negros Occidental ang kanyang pamilya, dahil ang kanyang amang si Albee Benitez ay kilala bilang isang pulitiko at negosyante sa nasabing probinsya.

Photo Credit: sueannadoodles/Instagram

Matatandaan na si Javi Benitez ay inang nasilayan at nakilala ng publiko ng magkaroon ng maliit na parte ang binata sa Sports Kids noong taong 2008, ito ay isang sport themed TV show na mapapanood noon sa Studio 23. Taong 2016 ng magbalik sa isang segment si Javi, at ito nga ay may pamagat naman na ANC’s Game Changer.

Photo Credit: sueannadoodles/Instagram

Hindi naman nagtagal ay pinasok na rin ng binata ang mundo ng pag-arte, kung saan ay naging isa siya sa mga artista ng Kapamilya network.

Photo Credit: sueannadoodles/Instagram

Isa nga sa mga kauna-unahan niyang naging proyekto sa Kapamilya, ay ang “The General’s Daughter”, na pinagbidahan ng aktres na si Angel Locsin, kung saan ay gumanap siya ng karakter bilang isang businessman. Kasunod naman nitom, ay bumida siya sa pelikulang “Kid Alpha One.”

Photo Credit: sueannadoodles/Instagram

Ang pagkakaroon ni Javi ng mga proyekto sa telebisyon ang naging daan nga upang siya’y mas makilala pa ng publiko. Samantala, maliban pa sa pagiging kilala na rin ngayon, ay marami sa atin ang hindi nakakaalam na si Javi Banitez ay ang anak pala ng kasalukuyang Chairman ng Leisure & Resorts World Corp, na siya ngang nagpapatakbo ng mga bingo parlors sa buong mundo.

Photo Credit: sueannadoodles/Instagram

Ito rin umano ang nagmamay-ari ng Brightlight Productions, na mayroong multi-million deals sa Kapatid Network. Mas naging matunog naman ang pangalan ni Javi Benitez ng maging kasintahan nito ang magandang aktres na si Sue Ramirez. Ang kanilang relasyong dalawa ay inamin nila kamakailan lamang sa publiko.




Sa ngayon nga ay marami na ring tagasubaybay ang binata sa kanyang mga socmed account. Ang kanyang Instagram account ay mayroon ng 48,000 followers at ang Facebook naman niya ay nasa 6,000 na ang mga foloowers.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *