Siya Pala Ang Magandang Anak Ni Michael V. Na Pinasok Na Rin Ang Showbiz

Si Beethoven Michael Bunagan o mas kilala ng publiko bilang si Michael V. ay isa sa mga sikat at mahuhusay na actor-comedian sa Philippine showbiz industry. Maliban rito, ay isa rin siyang direktor at recording artist. Mas hinahangaan ng marami ang husay sa pagiging komedyante at aktor ni Michael V. ng gampanan niya ang karakter bilang si “Bitoy” sa popular na Kapuso sitcom na “Pepito Manaloto.”




Tila naman ang angking husay at talento ni Michael V. ay namana ng kanyang mga anak, kaya naman isa sa kanyang mga anak na dalaga ang ngayon ay pinasok na rin ang mundo ng showbiz at sumunod sa yapak ng kanyang ama.

Image Credit via Google

Hindi lingid sa kaalaman ng marami na isa sa mga rising star ngayon ng Kapuso network ay ang anak na babae ni Michael V. at ito nga ay si Brianna. Si Brianna ay nagtapos ng kanyang pag-aaral sa Ateneo de Manila University, kung saan kumuha siya ng kursong Fine Arts Major In Theater Arts.

Image Credit via Google

Sa ngayon si Brianna ay gumagawa na ng kanyang sariling pangalan sa industriya ng showbiz, sa pamamagitan ng pagpapamalas ng kanyang talento sa pag-awit at pag-arte.
Samantala, kamakailan nga lamang ay ipinasilip ni Brianna ang kanilang napakagandang tahanan, ng siya ay maging ‘guest’ sa Kapuso show na “Sarap ‘Di ba?”

Image Credit via Google

Unang ipinakita ng dalaga ang front door ng kanilang tahanan, kung saan ay makikita ang ‘intricate design’ nito na ayon sa kanya ay ang kanyang ama mismo ang nagdisenyo. Kasunod na tinungo ni Brianna ang kanilang malawak at napa-cozy na sala, na ayon sa kanya isa ito sa mga paborito niyang tambayan.

Image Credit via Google

Ayon sa dalaga, dahil sa kaharap lamang ng kanilang sala ang lanai area nila, ay talaga namang napaka-relaksing ang tumambay at magmuni-muni dito. Sunod naman niyang ipinakita ay ang lanai area at backyard, na ayon sa kanya ito ang nagsisilbing event place nila sapagkat dito nila madalas gumagawa ng mga family gatherings. Dito rin umano nila madalas na ipinagdiriwang ang pasko at iba pang espesyal na okasyon.

Image Credit via Google




Hindi naman nakaligtaan ni Brianna na ipasilip ang kanilang dining area na mayroong 12-seater dining table. Ipinakita rin niya ang kanilang kitchen, at ibinahagi niya na ito ang paboritong ‘spot’ ng kanyang ina sa tahanan nila. Ibinahagi rin ng dalagang anak ni Michael V ang kanilang gym sa loob ng tahanan, at ayon nga sa dalaga, ay bihira lamang siya mag-workout at ang kadalasan pa niyang ginagawa ay ang indoor cycling.

Image Credit via Google

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *