Tunay nga naman na isa sa maituturing na pinakamasayang pangyayari sa buhay ng isang tao ay ang kanyang matagpuan ang magiging kapareha niya sa buhay. Ang taong makakasama niya sa hirap at ginhawa, at magpaparamdam sa kanya ng labis na kaligayahan at pagmamahal.
At ganito nga ang kaligayahan na nadarama sa buhay ngayon ng mang-aawit na si Christian Bautista matapos nga niyang makilala at maging kabiyak sa buhay ang kanyang napakagandang asawa na kinilalang si Kat Ramnani.

Napangasawa ni Christian ang banyagang si Kat Ramnani na isa ngang Indonesian. Hindi naman kataka-taka na nabihag nito ang puso ng singer, dahil maliban sa taglay na kagandahan ni Kat ay matalino rin ito.

Sa katunayan, si Kat ay isang executive sa isang telecommunication company. Ika-17 ng Nobyembre taong 2018 ng ikasal si Christian Bautista kay Kat Ramnani, at kitang-kita naman sa kanilang mag-asawa na punong-puno ng pagmamahalan ang kanilang pagsasama.

Sa araw ng pag-iisang dibdib ng dalawa, ay dinaluhan ito ng mga kilala at bigating personalidad, kung saan ilan nga sa mga ito ay mga kasamahan at katrabaho ni Christian sa industriya ng showbusiness na sina Eric Santos, Mark Bautista at Sam Concepcion.

Kabilang rin sa mga naging panauhin sa kasal nina Christian at Kat, ay ang aktres na si Cris Villonco at businessman na si Christian Mark Jacob. Naging bisita rin ng mag-asawa ang sikat na si Cesca Litton sa araw ng kanilang pag-iisang dibdib.

Para naman sa mga hindi nakakaalam, dalawang beses ikinasal sina Christian at Kat. Ang unang pag-iisang dibdib nila ay ginanap sa mismong bans ani Kat Ramnani, sa Bali, Indonesia at sa Pilipinas naman ginanap ang ikalawang pagkakataon na sila ay kinasal.
Ayon sa ilang mga lumabas na ulat, sa Venice naganap ang naging wedding proposal ni Christian kay Kat, ito nga ay matapos ang kanilang dalawang taong pagiging mag-nobyo at nobya. Makikita naman sa mga larawan ng mag-asawa na tunay ang pagmamahal nila sa isa’t isa,
base na rin ito sa mga pagtitinginan nila at ngiti na mababakas sa kanilang mga labi. Hindi naman maitatanggi na talagang nabihag ni Kat ang puso ng singer na si Christian Bautista. Marami namang mga netizens ang namangha sa kagandahan ni Kat ng ibahagi ni Christian sa kanyang social media account ang mga larawan niya kasama ang kanyang magandang asawa.