“So Proud Of You” Karen Davila Proud Sa Pagtatapos Ng Kanyang Anak Na Si Lucas

Proud mom ang TV Patrol anchor sa kanyang anak na si Lucas dahil sa pagtatapos nito at sa pagtanggap nito ng award. Sa kanya ngang social media account na ibinahagi nga noong ika-2 ng Hunyo ng kasalukuyang taon ay hindi maitago ni Karen Davila ang kanyang kasiyahan at pagiging proud mom para sa kanyang anak.




“LUCAS’ GRADUATION DAY So proud of you! I know how hard you’ve been working and it’s paid off with your Subject Excellence Awards in all 9 of them,” saad ni Karen.
Ibinahagi rin niya kung gaano siya ka-excited ngayong magmo-moving up na ang anak niyang si Lucas sa panibagong year level na tatahakin nito. Ayon nga kay Karen, sa darating na enrollment ay Grade 9 na ang kanyang anak.

Image Credit via Instagram

“Now ready for Grade 9 Love you so much Lucas – you are such a gift! Claiming God’s hand in your life”, dagdag na saad pa nga ng TV Patrol anchor. Marami naman sa mga kaibigan ni Karen Davila ang nagpaabot ng kani-kanilang “congratulatory message” para sa nakamit na pagtatapos ng kanyang anak. Narito nga ang ilan sa mga komento;

Image Credit via Instagram

“Congartulations Lucas!!!!Keep it Up!!!”, komento ni KaladKaren. “Congratulations Lucas…. And to @iamkarendavila and @djstaana – graduations and awards are really for the parents!!! Good job mga kapatid!!!!, sulat naman ni Noel Ferrer.

Image Credit via Instagram

Maliban pa sa naging matagumpay na pagtatapos ng kanyang anak na si Lucas, ay kamakailan nga lamang ay nauna ng ibinahagi ni Karen sa kanyang social media account ang kauna-unahang paglahok ng kanyang anak sa isang art exhibit “for a cause.”

Image Credit via Instagram

“PROUD OF YOU DAVID David and his classmates are closing the year with their first art exhibit – and for a good cause!” ang ibinahagi nga ni Karen noong ika-31 ng buwan ng Mayo.
Dagdag na saad pa niya, “These are all @iamdavidstaana’s paintings & sculptures but his classmates have beautiful works as well! For all of you who know David’s journey – you know how powerful a testimony this is of God’s grace & goodness!”

Image Credit via Instagram

Pagbabahgi pa ni Karen, ibinahagi niya ang tagumpay na ito ng kanyang anak, upang magbigay inspirasyon sa ibang mga magulang na mayroon ding mga anak na kinakailangan ng espesyal na atensyon at suporta upang ipamalas ang kanilang itinatagong galing, katulad na nga lamang ng kanyang anak na si Lucas.




“It makes me so proud to share David’s journey & his accomplishments because I know it will inspire other mothers with gifted & special kids to believe, commit & invest in developing their child!”

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *