Sofia Andres Ini-Reveal Na Ang Kanyang Pagiging Isang Mommy

Marami ang nagulat ng i-reveal ng aktres na si Sofia Andres, ang isang malaking pagbabago sa kanyang buhay bilang isang babae at ito nga ay ang pagtalikod sa pagiging dalaga at pumasok sa responsibilidad bilang isang ina.




Nito ng ang nakaraan lamang, June 21, 2020 ng mismong araw na nagdiriwang ang lahat ng Father’s Day ay nagulantang ang lahat sa naging post ni Sofia Andres.

Photo Credit: iamsofiaandres/Instagram

Sa naging pagbati ng aktres sa kanyang Daddy Eric ng Father’s day greetings, ay binati rin ng aktres ang kanyang boyfriend na si Daniel Miranda.

Photo Credit: iamsofiaandres/Instagram

Kasabay ng kanyang pagbati ay nagbahagi si Sofia ng tatlong larawan sa kanyang Instagram, ang unang larawan ay ang kanyang solo picture, pangalawa naman ang larawan ng kanyang ama, at ang pangatlo ay larawan niya kasama si Daniel at ang kanilang baby girl.

Photo Credit: iamsofiaandres/Instagram

“Thank you Daddy for the generosity and the love. “I also want to celebrate my greatest love, Daniel. Makikita nga sa post ng aktres ang naging pasasalamat niya sa kanyang Daddy, sa sobra sobra nitong pagmamahal sa kanya. At ang naging pagbati nito kay Daniel, bilang isang ganap na daddy na rin.

Photo Credit: iamsofiaandres/Instagram

“Right now I really feel complete, because I have my dad who always has my back, my love who loves me for who I am, and now my little bundle of joy, whom I will love unconditionally and who will be my source of strength during these trying times.”

Photo Credit: iamsofiaandres/Instagram

“Shout out to all the fathers in the world, Happy Father’s Day!”
Isa ngang malaking pagbabago ito sa buhay ng 21-taong gulang na aktres, na maging isnag ganap na mommy na ngayon.

Photo Credit: iamsofiaandres/Instagram




Ngunit ayon nga kay Sofia, ang kanyang munting anghel ngayon ang isa sa mga nagbibigay ng kasiyahan sa kanyang buhay at pinaghuhugutan niya ng lakas sa lahat ng mga pagsubok ng buhay.

Marami man ang mga nagulat na netizens at kanyang mga tagahanga dahil sa rebelasyon ito ng aktres, ay marami naman sa mga ito ang natuwa sa balitang ito dahil sa nakita nila na masaya si Sofia Andres sa buhay niya ngayon kasama ang partner na si Daniel Miranda at baby girl nila na si Baby Zoe.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *