Sofia Andres Naghanda Ng Isang Bonggang Bonggang Surprise Dinner Sa Kanyang Partner Na Si Daniel Miranda

Upang mabigyang kasiyahan ang kanyang partner at ama ng kanyang anak na si baby Zoe, na si Daniel Miranda, sa araw ng kaarawan nito, ay isang surprise intimate dinner, ang inihanda ni Sofia Andres.




Sa Instagram ni Sofia Andres, ay ibinahagi ng aktres, ang mga larawan na kuha sa masayang intimate dinner party na kanyang inihanda para sa pagdiriwang ng kaarawan ng partner niyang si Daniel Miranda.

Photo Credit: iamsofiaandres/Instagram

Makikita nga sa mga larawan na ibinahagi ni Sofia, na talagang pinaghandaan ng aktres ang sorpresa niyang ito para kay Daniel, dahil talaga namang napakaganda ng pagkaka-ayos ng lamesa, at ito pa ay mayroong mga disenyo na napaka-eleganteng tingnan, na ang aktres umano ang personal na nagprepara at nag-ayos.

Photo Credit: iamsofiaandres/Instagram

Kalakip naman ng mga larawan na ito na ibinahagi ni Sofia, ay ang kanyang caption, na kung saan ay nagbiro pa nga siya, na pwede na siyang i-hire sa mga gatherings.
“I guess you can hire me. All for you @danielmiranda… Thank you @theprintshopph for the greeting cards. You made it extra special.”

Photo Credit: iamsofiaandres/Instagram

Dahil naman sa ginawang effort na ito ni Sofia, ay hind maitago ni Daniel ang labis niyang kasiyahan, lalo pa’t ginawa nitong extra special ang araw ng kanyang kaarawan.

Photo Credit: iamsofiaandres/Instagram

Sa lahat nga ng post ni Sofia, ay mapapansin na panay ang heart emoji comment ni Daniel.
Samantala, sa Instagram naman ng car racer Daniel Miranda, ay makikita ang kanyang naging pag-post, kung saan ay ipinagpasalamat niya ang bagong taon na nadagdag sa kanyang buhay, at pinasalamatan niya rin ang lahat ng tao, na binati siya sa kanyang kaarawan.

Photo Credit: iamsofiaandres/Instagram

“Another year older. Thank you everyone, for the birthday greetings.”
Ilang mga larawan naman nina Sofia at Daniel, na kuha sa nasabing pagdiriwang ang nagpakita kung gaano ka-sweet ang dalawa sa isa’t isa.




Hindi naman nawala sa nasabing pagdiriwang ang anak nina Sofia at Daniel, na si baby Zoe, na talaga namang cute na cute sa mga larawan. Ang surprise intimate birthday dinner party na ito sa kaarawan ni Daniel Miranda, ay dinaluhan ng ilang mga piling kaibigan ng magkasintahan sa showbiz.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by SOFIA (@iamsofiaandres)

Matatandaan naman, na inanusyo ni Sofia Andres, ang pagkakaroon niya ng anak kay Daniel Miranda, noong araw mismo na nagdiriwang tayong lahat ng Father’s Day.
Hindi nga maikakaila, na napakasaya ni Daniel Miranda sa kanyang kaarawan, lalo na at kasama niya ang kanyang mag-ina, ito ay base sa mga larawan, na kuha mula sa nasabing pagdiriwang.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *