Solenn Heussaff Hindi Ipinapakita Ang Mukha Ni Baby Thylane Sa Social Media

Matatandaan na ng nagdiriwang ang bawat isa sa atin ng bagong-taon, January 1, 2020 ay isinilang ni Solenn Heusaff ang kanilang unang anak ng kanyang asawa at ito ay isang baby girl na pangalan nilang Thylane.

Photo Credit: solenn/Instagram




Mula ng isinilang ni Solenn si Baby Thylane ay may mga pagkakataon na pagbabahagi siya ng ilang larawan nilang mag-ina sa kanyang Instagram account, ngunit marami sa mga netizens at kanyang mga tagahanga ang nagtataka at nagtatanong kung bakit sa mga larawang kanyang ibinabahagi ay hindi masilayan ang mukha ni Baby Thylane.

Photo Credit: solenn/Instagram

Sa kanyang Instagram ay ibinahagi ni Solenn ang kanyang dahilan kung bakit hindi siya nagbabago sa social media ng mga larawan ni Baby Thylane na kita ang mukha nito. Ibinahagi din niya na ipakita rin niya umano ang mukha ni Baby Thylane.

Photo Credit: solenn/Instagram

“People keep asking why I haven’t posted Thylane yet. Though I eventually will sometimes I am not in a hurry and enjoying every change. She is so precious.”
Ayon kay Solenn ay nabasa niya rin ang ibang mga komento ng netizens tungkol sa kanyang Baby Thylane.

“I’ve read comments like: Is your baby ugly? Aren’t you proud of her? Is she abnormal?,among other things.”

Ipinaliwanag naman ni Solenn sa mga nagtatanong at nagtataka kung bakit wala siyang ibibahagi ng larawan ni Baby Thylane na masisilayan ang mukha nito, sapagkat isa siya sa mga naniniwala na hindi lahat ng bagay lalo na pag tungkol sa iyong buhay ay kailangan mong ipakita sa social media.

“People needs to remember LIFE doesn’t happen on IG. Yes, it’s a great place to share things, but you don’t have to share EVERYTHING. It’s not because it didn’t happen on IG that it didn’t happen in real life.”

Ayon kay Solenn, ang paniniwala niyang ito ang isa sa mga dahilan kung bakit hindi niya masyadong ini-expose si Baby Thylane sa social media.




“This is exactly, why I don’t want her to be exposed to this type of make believe world. Some people need to get wiser.” Tama nga naman si Solenn, hindi lahat ng bagay o pangyayari sa ating buhay ay kailangan natin ibahagi sa social media.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *