Solenn Heussaff Ipinasilip Ang Kanyang Pagbubuntis Na Mga Larawan

Mahirap ang mabuntis. Marami kang pagdadaanan sa siyam na buwan na dadalhin mo ang sanggol sa iyong sinapupunan. Siyam na buwan kang maging dalawa. Kailangan mo rin ng dobleng nutrisyon upang mabigyan mo ng sapat na nutrisyon ang iyong sanggol. Maliban pa rito, siyam na buwan mo ring pag-iingatan ang iyong galaw upang siguradong magiging ligtas ang iyong anak habang siya’y nasa sinapupunan at magiging ligtas ito sa araw ng kanyang pagluwal sa mundong ibabaw. Mahirap man, ngunit ito ay isang proseso na kailangang pagdaanan ng bawat ina upang magkaroon sila ng anak.

Photo Credit: Solenn/Instagram




Sa pag-unlad ng ating mundo, may mga paraan na rin tayong nadiskubre kung paano maging isang malusog na buntis. Maliban sa pagkain ng mga masustansyang pagkain, may mga rekomendasyon na ring ehersisyo na talagang disenyo para sa mga buntis. Ito ay ginawa upang pangalagaan mo pa rin ang iyong katawan kahit na ikaw ay nagbubuntis.

Photo Credit: Solenn/Instagram

Ang pagbubuntis rin ang isa sa mga pinakamahirap na ngunit isa sa mga kapanapanabik na yugto ng ating buhay. At nito lamang, anunsyo ni Solenn Heussaff sa kanyang social media account ang kanyang pagbubuntis. Bagama’t buntis, hindi pa rin nagawa ni Solenn na hindi mag-work out. Hindi na rin bago sa kaalaman ng lahat na si Solenn ay isang taong mahilig mag-work out.

Photo Credit: Solenn/Instagram

Sa kasalukuyan, 4 at kalahating buwan ng nagdadalang-tao ang aktres. Bagama’t 4 and kalahating buwan nang buntis, hindi pa rin nawawala ang hubog ng katawan ng aktes. Maraming mga netizens ang humanga sa ganda ng katawan ni Solenn sa kabila ng pagbubuntis nito. Maliban din sa mga netizens na sabik sa kanyang panganganak, nagpaabot rin ang ibang mga artista ng kanilang mga mensahe sa “soon-to-be” na nanay.

Photo Credit: Solenn/Instagram

Isa sa mga pinakasabik sa panganganak ni Solenn ay ang kanyang bayaw na si Anne Curtis na asawa ng kanyang kapatid na si Erwan. Matatandaang Na ikinasal si Solen kay Nico Bolzico noong 2016 sa bansang France. Best wishes, Solenn!

Photo Credit: Solenn/Instagram




Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *