Soon-to-be-Bride Na Ang Tinaguriang Pinay Weightlifting Fairy Na Si Hidilyn Diaz Kay Julius Naranjo

Tila naman talagang napakaganda ng taong ito para sa ating real life Pinay weightlifting fairy na si Hidilyn Diaz, sapagkat matapos niyang masungkit ang kauna-unahang gintong medalya ng Pilipinas sa Olympics at naging pagbuhos ng napakaraming mga bonggang ‘incentives’ sa kanya dahil sa naibigay niyang karangalan sa ating bansa, ay mayroon pa ngang sumunod na magandang pangyayari sa kanyang buhay.




Ito nga ay ang naging wedding proposal sa kanya nito lamang nakaraan ng kanyang boyfriend-coach na si Juluis Naranjo. Soon-to-be-bride na nga si Hidilyn, ito nga ay matapos maganap sa isang hotel sa Resorts World Manila ang nakakakilig at romantikong wedding proposal sa kanya ng nobyo niyang si Julius.

Photo Credit:hidilyndiaz/Instagram

Sa kanyang Instagram account ay masayang ibinahagi ni Hidilyn ang kanyang larawan, kung saan ay makikita sa kanyang mga ngiti ang labis na kasiyahan habang kanyang ibinibida ang suot niyang gold engagement ring na ibinigay nga sa kanyang ni Julius. Makikita rin na hawak-hawak niya ang kanyang gintong medalya na napanalunan niya nu’ng nakaraang Olympics.

Photo Credit:hidilyndiaz/Instagram

Para kay Hidilyn ay “magical moment” sa buhay niya ang naging paghingi ni Julius ng kanyang kamay para makasama na nga nitong habang buhay. Ibinahagi rin niya sa kanyang IG post, kung gaano siya nagpapasalamat sa Diyos, dahil isang tulad ni Julius ang ibinigay nito sa kanyang buhay.

Photo Credit:hidilyndiaz/Instagram

“It’s a YES! It was a magical moment @imjulius. I’m grateful to God that He sent Julius into my life, he make my life easy.” Dagdag na saad pa ni Hidilyn, “Alam ng iba kung ano ang mga isinakripisyo niya para maabot namin ang pangarap namin na GINTO sa Olympics together with #teamHD, nun laro kinilig at masaya ako kasi siya mismo ang nagsabi God is the center of our relationship,

Photo Credit:hidilyndiaz/Instagram

kaya walang duda na magye-Yes ako dahil swerte ako na may isang Julius na nagmamahal, nagintindi at sumuporta sa akin.” Sa huling bahagi naman ng post ni Hidilyn ang kanyang pinasalamatan ang lahat ng mga tumulong kay Julius para maging ‘meaningful’ ang gabi ng wedding proposal nito para sa kanya.

Photo Credit:hidilyndiaz/Instagram

“Thank you sa lahat ng mga kasabwat ni Julius, magaling po kayo, naging meaningful ang gabi dahil sa inyo”, ani Hidilyn. Agad namang bumuhos ang maraming pagbati para sa magksintahan, mula sa mga tagasuporta ni Hidilyn at maging sa mga netizens na bilib sa relasyon nilang dalawa.




Unang nagtagpo ang landas nina Hidilyn at Julius noong taong 2017 sa bansang Turkmenistan, ng ganapin doon ang Asian Indoor and Martial Art Games.

Nabuo umano ang pagmamahalan nilang dalawa, dahil sa weightlifting, na pareho nilang kinahiligan. Hindi batid ng marami sa atin, na bago pa man naging coach ni Hidilyn si Julius ay minsan na rin itong sumabak sa weightlifting competition.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *