Soon To Be Mommy Na Ang Aktres Na Si Desiree Del Valle Sa Magiging Panganay Na Anak Nila Ng Asawang Si Boom Labrusca

Walang mapagsidlan ngayon ang kaligayahan ng aktres na si Desiree Del Valle at asawa niyang si Boom Labrusca, ito nga ay dahil sa ang mag-asawa ay soon-to-be-parents na sapagkat ipinagbubuntis na ng aktres ang magiging panganay nilang anak.




Isa nga namang napakagandang regalo ito para kay Desiree lalo na’t siya ay nagdiwang ng kanyang kaarawan. Ang naging pagsasapubliko ng mag-asawa sa magandang balita na ito ay pinili nilang ibahagi sa kani-kanilang social media account nito laman ika-28 ng Mayo.

Photo Credit: deslois/Instagram

Ibinahagi ng aktor na si Boom Labrusca ang pagdadalang-tao ng kanyang misis kasabay ng pagdiriwang ng ika-39 taong kaarawan nito, kung saan ay ipinakita nga niya sa kanyang Instagram account ang mga serye ng larawan ni Desiree habang ito ay nasa swimming pool.

Photo Credit: deslois/Instagram

Makikita sa mga larawan na nakasuot ang aktres ng swimsuit at halata na nga ang baby bump nito. Maliban pa nga sa mga larawan na ito ni Desiree na nagpakita ng baby bump nito, ay ibinahagi rin ni Boom sa kanyang social media post ang positibong pregnancy test ng asawa at ang sonogram picture ng magiging baby nila.

Photo Credit: deslois/Instagram

Base sa naging post ng aktor, nasa ika-17 linggo na ang sanggol na ipinagbubuntis ng misis niya. Para naman ilarawan kung gaano siya kasaya at nagpapasalamat sa biyayang ito na kanilang natanggap mag-asawa, ay nagbahagi rin si Boom ng isang Bible verses sa kanyang IG post.

Photo Credit: deslois/Instagram

“Believe in wthat you Pray for… ‘At the right time, I, the Lord will make it happen’ Isiah 60:22” ang naging caption ni Boom sa kanyang naging post. Naikuwento rin ng aktor na nalaman nila ang pagdating ng napakagandang biyaya na ito sa kanilang mag-asawa ay nung ika-22 ng Abril taon ng kasalukuyan.

Photo Credit: deslois/Instagram

“We found out April 22, 2021. 17 weeks and counting”, ani Boom.
“Salamat po Ama. Can’t wait to see you baby”, ang dagdag na saad pa ng aktor.
Para naman sa kaarawan ng kanyang misis na si Desiree Del Valle, ay isang matamis na mensahe naman ang ipinaabot ni Boom.

Photo Credit: deslois/Instagram

“Btw it is also my darling’s b-day today. So Happy Happy bday to my best friend, my wife, my Life”, ang naging pagbati nga ni Boom sa asawang aktres.

Bumuhos naman ang mga mensahe at pagbati para sa mag-asawa mula sa mga kaibigan nila sa industriya na nagpaabot rin ng kasiyahan nila para sa biyayang dumating sa buhay ng mag-asawa. kabilang na nga sa mga nagbigay ng komento ng pagbati ay sina Jodi Sta. Maria, Kaye Abad, Lara Quigaman, Charlie Dizon at marami pa ngang iba.




Matatandaan na nagsimula ang magandang pagtitinginan nina Desiree at Boom ng sila ay magsama sa Kapamilya series noon na “Aryana”, at matapos nga lamang ang anim na taon nilang relasyon ay nagpakasal na silang dalawa.

Samantala, si Boom ay nagkaroon naman ng anak sa dati niyang nobyang si Angel Jones, kung saan ito nga ay ang aktor na si Toni Labrusca na nakilala ng lahat noong taong 2016 matapos nitong sumalo sa TV show na “Pinoy Band Superstar.”

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *