Soon-to-be-Mommy Na Ang Napakagandang Model-Beauty Queen Na Si Katarina Rodriguez

Nito lamang nakaraan ay ginulat ng model-beauty queen na si Katarina Rodriguez ang kanyang mga tagahanga sa naging anunsyo niya, at ito nga ay ang patungkol sa kanyang pagbubuntis.




Sa ini-upload na vlog ni Katarina noong ika-9 ng Agosto sa kanyang YouTube channel ay masaya at proud niyang isinapubliko ang pagdadalang-tao niya sa magiging panganay na anak nila ng kanyang kasintahang si Niňo Barbers.

Image Credit: katarinarodri/Instagram

Ayon nga kay Katarina, mahigit pitong buwan din niyang itinago sa lahat ang kanyang pagbubuntis. Sa kabila naman nito ay masayang-masaya siya na ihayag nga sa lahat ang magandang biyaya na ito na dumating sa kanyang buhay.

Image Credit: katarinarodri/Instagram

“Hey everyone it’s Katarina. I’m so excited to finally share the big announcement that I have, the secret that I have keeping for the past seven months. And that secret is, I’m pregnant!”, ang proud na pagbabahagi ni Katarina.

Image Credit: katarinarodri/Instagram

Samantala, matapos ang nakakagulat na anunsyo niyang ito, ay ipinasilip naman ni Katarina sa kanyang vlog ang masayang buhay niya ngayon sa isla ng Siargao.

Image Credit: katarinarodri/Instagram

Sa ngayon ay naninirahan si Katarina at ang nobyo niyang si Niňo sa Siargao, kung saan sila ay tumutuloy sa Bayud Boutique Resort ang pagmamay-aring pribadong resort ng pamilya ni Niňo sa nasabing isla.

Image Credit: katarinarodri/Instagram

Makikita naman sa ilang larawan ang masayang pakikipag-bonding ni Katarina sa mga kaibigan niya sa Siargao. At sa isa ngang larawan ay makikita ang pagba—bonding ni Katrina at ni Andi Eigenman na isa ring sikat na aktres noon na ngayon ay mas pinili ang mamuhay ng tahimik at masaya sa isla ng Siargao kasama ang binuo niyang pamilya.

Kitang-kita naman kay Katarina kung gaano niya ine-enjoy ang magandang dalampasigan ng Siargao, at bukod nga sa pagtatampisaw sa dagat ay ibinahagi rin ng soon-to-be-mommy ang ilan sa kanyang mga ginagawang pregnancy workouts.

Nagbigay pasilip din si Katarina ng naging maternity photoshoot niya, kung saan ay kanya ngang ibinida ang kanyang lumalaki ng baby bump.




Matatandaan na naging matunog ang pangalan ni Katarina sa publiko ng siya ay maging pambato ng Pilipinas sa ilang international pageants. Ilan nga sa mga international pageants na naging kalahok siya ay ang Miss Continental 2017 at Miss World 2018.

Namang manalo naman si Katarina bilang 3rd runner-up sa pangalawang season ng Asia’s Next Top Model, aty dito na siya nagsimulang makilala sa industriya ng pagmo-modelo.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *