Stone Supplier Ng 1 Bilyon Peso Mansion Ni Manny Pacquiao Sa Forbes Park Dismayado

Isa sa mga pangunahing pangangailangan ng isang mag-anak ay isang maayos na tahanan. Maliban sa pagkain at kasuotan, ang tahanan ang isa sa mga pinaka-importanteng bagay na dapat mayroon ang isang pamilya. Bagama’t ito’y isang pangangailangan, naging luho na rin ito ng iilan lalo pa ng mga mamamayan na hindi alam kung paano nila gagastusin ang kanilang pera. Malaki ang perang inilabas ng isang tao kahit sa simpleng bahay lamang.

Photo Credit: @jinkeepacquiao/Instagram




Kung ikaw naman ay nakaka luwag-luwag sa buhay, maaari mo pang pagandahin ang iyong bahay sa pamamagitan ng paglalagay ng mga natatanging disenyo dito at arkila ng mga taong eksperto sa mga ganitong bahay. Pero syempre, hindi porke at sila na ang eksperto ay hindi ka na dapat makialam sa kalalabasan ng disenyo ng iyong bahay. Kaya naman, marami sa atin ang nagiging hands-on pag nagpapagawa ng bahay upang masigurado nating talagang ito ay naaayon sa ating pangarap na plano.

Photo Credit: @jinkeepacquiao/Instagram

At isa sa mga may pinag hinahangaang bahay sa Pilipinas ay ang bahay ng boxing-champ at isa sa mga senador ng Pilipinas na si Manny Pacquiao. Bagama’t marami nang pag-aaring bahay sa Pilipinas at sa ibang bansa, namumukod-tangi ang bahay ng pamilya Pacquiao sa Forbes Park. Taong 2011 nang bilhin ng pamilya Pacquiao ang bahay mula sa dating presidente ng RCBC Bank na si Lorenzo Tan. May lawak itong 1,526 metro kwadrado na napapalibutan ng mga bato.

Photo Credit: @jinkeepacquiao/Instagram

Sinasabing nagkakahalaga ito ng aabot sa P388 milyon! Si Anton Mendoza ang nagdisenyo ng bahay na ito na siya ring responsable sa disenyo ng People’s Palace at Two Roxas Triangle habang Budji+Royal Architecture and Design naman ang nagdisenyo ng loob ng bahay.

At nito nga lamang ay ibinahagi ng kanyang butihing asawang si Jinkee Pacquiao sa pamamagitan ng kanyang Instagram account ang mga litrato ng kanilang bahay na sumasailalim isang renovation. Sa mga litrato na ibinahagi ni Jinkee, makikita dito ang ilang pagbabago sa kanilang bahay katulad na lamang ng haligi sa may bandang pool area.
Bagama’t maganda ang naging disenyo ng renovation, dinaan naman ni David Kaufman ng Kaufman Stone ang kanyang pagkadismaya sa social media nang palitan ng pamilya Pacquiao ang dating natural stones ng porcelain tiles.

Tila hindi natuwa si Kaufman sa naging desisyon nila dahil kung tutuusin raw ay kayang-kaya raw ng pamilya Pacquiao na bumili ng materyales na mas higit pa sa porcelain dahil kaya naman raw bumili ni Jinkee ng bag na nagkakahalaga ng P15 milyon. Ngunit sa huli, wala raw siyang magagawa sa desisyon ng mag-asawa dahil pera naman daw nila iyon.




Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *