Suka Ng Balyenang Nagkakahalaga Ng P26 milyon Natagpuan Ng Isang Lalaki Sa Dalampasigan

Maraming surpresa ang kalikasan para sa atin. Kung ang sa tingin nating simpleng bagay lamang ay mayroon pa lang katumbas na limpak-limpak na salapi. Pero minsan, hindi natin napapansin ito at unti-unti nang nawawala dahil sa pagkasira ng ating kalikasan.
Ang bawat nilalang sa mundo ay may kanya-kanyang tungkulin sa ating kalikasan dahil kahit ang pinakamaliit na mikrobyo ay may kaukulang tungkulin sa ating kalikasan. Ang kanilang mga dumi ay maraming mga gamit sa ating pang araw-araw na buhay. At minsan, kung tayo ay swertehin, maaari itong magbigay ng kaunlaran sa atin.

Photo Credit: YouTube/ LiveLeak




Katulad na lamang nadiskubre ng lalaking ito sa may dalampasigan sa isla ng Koh Samui sa Thailand. Naglalakad si Boonyos Tala-upara dalampasigan ng may makita siyang isang malagkit na bagay. Mukhang kakaiba ito at napakabigat dahil 22 lbs ang bigat nito. Dinala niya ito sa kanilang bahay at itinambak sa kanilang garage.

Photo Credit: YouTube/ LiveLeak

Hinayaan niya lamang ito sa kanilang garahe hanggang isang araw ay binisita siya ng kanyang isang kaibigan. Nabigla ang kanyang kaibigan sa kaniyang nakita sa garahe niya dahil ang kaniyang inakalang simpleng malagkit na bagay ay isa palang “ambergris.” Ang ambergis ay isang suka ng balyena. Lingid sa kanyang kaalaman, ang ambergis ay ginagamit ng mga gumagawa ng pabango at ang 22-pound na ambergris na nasa garage niya ay nagkakahalaga ng P26 milyon!

Photo Credit: YouTube/ LiveLeak

Isa ito sa mga pinakapambihirang bagay sa karagatan kung kaya’t gintong lumulutang ang tawag rito. Ang ambergris na nasa kanyang garage ay isang malaking bagay, para bagang kandila at kulay ginto. Bagamat parang kandila ang itsura, malambot ito. Para rin raw itong wax dahil nang sunugin niya ito ay natunaw at naging mantika, matapos ang ilang minuto ay bumalik ulit ito sa dati. Gusto raw itong ibenta ni Boonyos dahil gusto na niyang mag retiro.

Photo Credit: YouTube/ LiveLeak

Ayon sa Vice Chancellor ng Faculty of Fisheries sa Kasetsart University na si Thon Thamrongnawasawat, ang Ambergis ay pinakamahal na bagay. Nabubuo ang isang ambergris kapag hindi ka kayang tunawin ng balyena ang ibang parte ng kinakain nito kung kaya’t naiipon ito sa loob ng kanilang bituka at kung nagkataon ay sinusuka nila ito. Ginagamit rin raw ang ambergis sa mga pabango, mga produktong cosmetics at pati na rin sa pagkain simula pa noong unang panahon kung kaya’t napakamahal nito.
Kaya naman, ugaliin nating pangalagaan ang ating kalikasan lalo na ang mga nilalang sa ating karagatan dahil hindi natin alam na maaaring magbigay ito ng yaman sa atin.




Video Courtesy from YouTube/ Live Leak:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *