Sulyapan Ang 36th Birthday Ni Heart Evangelista Na Masayang Ipinagdiwang Sa Benguet

Kasabay ng naging pagdiriwang ng lahat ng pagmamahalan noong araw ng mga puso o Valentine’s Day ay ang naging pagdiriwang rin ng aktres at fashion icon na si Heart Evangelista ng kanyang kaarawan, kung saan siya nga ay tumuntong na sa edad na 36.




Masayang ipinagdiriwang ni Heart ang kanyang kaarawan sa pamamagitan ng isang intimate birthday party sa isang log cabin malapit sa Baguio city. Ito ay dinaluhan ng kanyang mga mahal sa buhay at ilang mga kaibigan.

Photo Credit: iamhearte/Instagram

Sa kanya ngang Instagram account, ay ibinahagi ni Heart ang ilang mga larawan at video na kuha sa kanyang naging masayang birthday party. Makikita na maliban sa masayang pagdiriwang ay mas naging doble pa ang kaligayahan ni Heart ng handugan siya ng kanyang asawang si Francis ‘Chiz’ Escudero ng malahigante sa laki na bouquet of flowers.

Photo Credit: iamhearte/Instagram

Makikita naman sa iba pang mga larawan kung gaano ka-sweet at ka-romantiko si Chiz Escudero sa kanyang asawang si Heart. At mayroon pa ngang isang larawan na nagpapakita ng matamis na halik na pinagsaluhan ng dalawa.

Photo Credit: iamhearte/Instagram

Samantala, bukod nga sa mala-higante at magagandang bulaklak, ay napakarami ring cake ni Heart noong araw na iyon ng kanyang kaarawan.

Photo Credit: iamhearte/Instagram

Kitang-kita naman sa mukha ni Heart na labis ang kanyang nadamang kasiyahan sa araw ng kanyang kaarawan, lalo pa nga’t talagang nadama niya ang pagmamahal sa kanya ng kanyang mga kapamilya, kaibigan at tagahanga.

Photo Credit: iamhearte/Instagram

Kaya naman isang mensahe rin ng pasasalamat ang kanyang ibinahagi sa kanyang Instagram para sa lahat ng taong nakakaalala sa espesyal na araw ng kanyang buhay.
“Thank you everyone! Felt so loved today! Wishing everyone the same.” Ani heart.

Photo Credit: iamhearte/Instagram

Ipinabatid din ni Heart sa lahat na hindi lamang ang kanyang kaarawan ang ipinagdiriwang nila ng araw na iyon ng mga puso, dahil kasabay ng kanyang kaarawan at ng Valentines’ day, ay ipinagdiriwang rin nila ng kanyang asawang si Chiz ang ika-6 na taong anibersaryo ng kanilang kasal sa parehong araw.

Photo Credit: iamhearte/Instagram

Matatandaan na ikinasal sina Heart Evangelista at Chiz Escudero noong ika-14 ng Pebrero taong 2015, sa isang intimate wedding ceremony na ginanap sa malaparaiso sa gandang Balesin Island.

Sa loob nga ng halos 6-taon ng pagsasama bilang mag-asawa nina Heart at Chiz, ay masisilayan naman sa kanilang dalawa na nanatiling matamis ang pagmamahal nila sa isa’t isa.

Sina Heart at Chiz ay naging magkarelasyon muna ng tatlong taon bago sila naging mag-asawa, at ayon nga sa naging pahayag noon ng aktres sa isang panayam sa kanya ng G3 noong buwan ng Agosto noong nakaraang taon ay noon pa lamang ay batid na niya sa kanyang sarili na si Chiz ang taong makakasama niya habang-buhay.




Inamin rin ni Heart sa nasabing panayam na ang asawa niyang si Chiz ang kanyang ‘dream guy’. “I know this sound cheesy, but ever since before talaga, I really liked him.

I really looked up to him and when I met him in person, parang he did not disappoint.”
“He was so much more than I thought he would be. He was so normal to me.. I knew he’s the one. I knew it right away. I married my dream guy.”

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *