Sulyapan Ang Binyag Ng Anak Nina Solenn Heussaff At Nico Bolzico

Dalawang taon at apata na buwan na rin ang matuling lumipas matapos na maisilang ang panganay na anak ng mag-asawang Solenn Heausaff at Nico Bolzico na si Thylane Katana o mas kilala nga sa kanyang palayaw na si Tili, kung saan sa wakas ay nabinyagan na rin nga ito nito lamang nakaraan.




Kamakailan nga lamang sa Instagram account ng mag-asawang Soleen at Nico, ay kanilang masayang ibinahagi na ang kanila ngang anak na si Tili ay bininyagan na. Noon ngang ika-7 ng Mayo, araw ng Sabado ay makikita sa Instagram ng mag-asawa ng isang short video clips na kanilang ibinahagi at ang nilalaman nga nito ay kaganapan sa binyag ng kanilang anak. Si Tili nga ay nasa edad dalawang taon at apat na buwan ng tanggapin niya ang sakramento ng binyag.

Photo Credit: nicobolzico/Instagram

Makikita sa short video na ibinahagi ng mag-asawa na sila ay nakasuot ng puting damit, ganun rin ang kanilang anak na si Tili at ang pari nga na nagbigay rito ng sakramento ng binyag. Nahagip din sa video na isa nga sa mga dumalo sa binyag na ito ni Tili ay ang sister-in-law ni Solenn na si Anne Curtis, at kasama nga nito ang kanyang mister na si Erwan Heusaff na kapatid nga ni Solenn.

Photo Credit: nicobolzico/Instagram

Siyempre kasama naman ng mag-asawang Anne at Erwan ang kanilang anak na si Dahlia Amelie na halos kaedad lang din ni Tili.Magmula nga ng mai-post ni Nico ang naturang video na ito na kuha sa binyag ng anak nilang si Tili ay agad na ito humakot ng 200 likes reactions, at marami din ang nagbigay komento at pagbati mula nga sa kanilang mga tagahanga at followers.Ilan nga sa mga mababasang komento ay;

Photo Credit: nicobolzico/Instagram

“Awwww welcome to the Christian world Tili.”“Welcome to the Christian world, Tili habibi…”
“Welcome to the Christian worl Thylane Katana Bolzico.. [emoji] you’re wonderful…”
“Welcome to the Christian world Tilibolz! [red heart emoji] stay a blessing to everyone.”

Photo Credit: nicobolzico/Instagram




Ayon naman sa ulat, matapos nga ang naging masayang kaganapan ng binyag ni Tili sa simbahan ay nagkaroon din ng masayang selebrasyon ang mag-asawa bilang pagdiriwang nga nila sa binyag ng kanilang anak. Labis naman ang kasiyahan nina Solenn at Nico, ngayon na nabinyagan na ang anak nilang si Tili.

Samantala, kitang-kita naman kay Tili ang kasiyahan sa selebrasyon ng kanyang binyag lalo na nga marami siyang nakalaro sa mga batang kumbibado din sa nasabing okasyon.

Leave a Reply

Your email address will not be published.