Ang mga Pinoy ay mahilig naman talaga sa isports, at isa nga sa mga isports na kinahihiligan ng ilan sa ating mga kababayan ay ang larong football. Sa larong football, ay naging matunog ang pangalan ng mahusay na manlalaro na si Phil Younghusband, na talaga namang sikat na sikat noong namamayagpag ang kanyang karera bilang Azkals captain.
Kaugnay nito, sa kabila ng kanyang kasikatan sa pagiging mahusay na manlalaro ng football ay dumating din ang punto na nagdesisyon na si Phil na magreretiro. Sa kabila naman ng nawalang kasikatan sa kanya, para naman sa dating sikat at kilalang Azkals captain ang kanyang naging pagreretiro sa larangan ng football ay mayroong naging magandang dulot sa kanyang buhay.

Sa kasalukuyan kasi ay payapa at masayang namumuhay sa bansang England si Phil, kung saan ay kanyang kasama ang asawa niya at anak na lalaki na ang pangalan ay Philip.
Tulad ng ilang mga sikat na personalidad, ay mayroon din ngang social media account si Phil James Younghusband Jr.

Kung saan dito ay pagbabahagi siya ng ilan sa mga kaganapan sa kanyang buhay ngayon matapos nga niyang magretiro sa pagiging isang manlalaro ng football. Makikita sa Instagram account ni Phil ang naging pagbabahagi niya ng isang maganda, buo at masayang larawan ng kanyang pamilya. Sa isa pa ngang larawan ay masisilayan naman siya na kasama ang kanyang napaka-cute at adorable na anak na si Philip.

Kalakip ng larawan na ito ay ang mensahe ni Phil kung saan ay kanyang inilahad kung gaano kasaya ang buhay niya ngayon bilang isang asawa at isang ama. Mapapansin din na maraming mga ini-upload na larawan si Philip sa kanyang Instagram kung saan ay kasama niya ang kanyang anak, at ang ibig lamang nga sabihin nito ay isang hands-on dad si Phil sa 2-year old son niyang si Philip na kitang-kita naman na kasing gwapo niya.

Bakas naman sa mga ngiti ni Phil sa mga larawan na kanyang ibinahagi kung gaano siya masaya at kuntento sa buhay niya ngayon kasama ang kanyang asawa at anak, at ang kasiyahan nga niya na ito ay hindi matatawaran ng anumang kasikatan.

Matatandaan na ika-18 ng buwan ng Nobyembre taong 2019 ng gulatin ni Phil James Younghusband Jr., ang napakarami niyang mga tagahanga ng kanyang i-anunsyo ang desisyon niyang magretiro na sa paglalaro ng football, ito ay sa kabila ng tinatamasa niyang kasikatan.