Sulyapan Ang Buhay Ngayon Ng Batang Gumanap Na “Lawiswis” Noon Sa Mulawin

May ilang mga batang artista noon na nagbigay aliw sa maraming mga manonood ang ngayon ay hindi na natin nasisilayan sa telebisyon, kabilang na dito si Sam Bumatay.
Si Sam Bumatay ay nagsimula sa industriya ng showbiz bilang isang batang artista noong siya ay naging Ultimate Female Survivor sa reality based artista na Starstruck Kids, kung saan ay ang naging Ultimate Male Survivor naman ay si Kurt Perez.




Ilan pa sa mga nakasabayan niya sa nasabing programa ay sina Miguel Tanfelix, Ella Guevarra, JM Reyes, Bea Binene, Gabriel Roxas, Sandy Talag, Paul Salas, Renz Juan at marami pang iba.

Photo Credit via Instagram

Matatandaan na isa sa mga naging karakter ni Sam Bumatay na kanyang mahusay na nagampanan ay ang kanyang pagiging si “Lawiswis” sa GMA fantaserye noon na “Mulawin”. Dito ay nakasama niya ang naging kasamahan niya sa Starstruck Kids na si Miguel Tanfelix na gumanap naman bilang si “Pagaspas.”

Photo Credit via Instagram

Dahil sa nakakabilib na husay ni Sam Bumatay bilang isang batang artista ay na-nominate siya bilang “Best Child Actress noong para sa pekulang Mulawin: The Movie na ipinalabas noong taong 2006.

Photo Credit via Instagram

Samantala, sa kasalukuyan nga ay hindi na natin nasisilayan si Sam Bumatay sa telebisyon, at ang kanya ngang naging huling “Tv appearance” ay noong taong 2007 sa seryeng Impostora.

Photo Credit via Instagram

Ipinagpatuloy niya ang kanyang pag-aaral kaya iniwan niya ang mundo ng showbiz. At noon ngang makapanayam si Sa Bumatay ni Nelson Canlas sa Chika Minute noon, ay ikinuwento niya kung ano ang kanyang naging buhay matapos niyang iwan ang pag-aartista.
Ayon nga sa dating batang artista, ay binigyang prayoridad niya ang kanyang pag-aaral,

dahil para nga sa kanya ay mahalaga ang edukasyon. Hindi naman umano niya isinasara ang showbiz sa kanyang buhay, ngunit sa kasalukuyan nga ay nais niyang pokusan ang kanyang pag-aaral. “Para po sa akin, education po kasi is important. Hindi ko naman po kino-close yung door ko sa showb𝔦z pero as for now, I want to focus on my studies first.”




Matatandaan naman na noong taong 2018, matapos ang mahigit 14-taon ay muling nagsama-sama at tila nagkaroon ng reunion ang batch 1 ng Starstruck Kids na kinabilangan nga ni Sam, kaya naman muli niyang nakita ang mga kasabayan niya sa showbiz noon.
Ilang mga netizens naman ang nagkomento na na-miss nilang makita si Sam Bumatay sa telebisyon, dahil talaga namang mahusay itong umarte.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *