Sulyapan Ang Buhay Ngayon Ni Jeric Sigmaton O Mas Nakilala Bilang Si Carrot

Taong 2016 ng mag-viral sa social media ang binatang si Jeric Sigmaton, ito ay matapos ngang kumalat sa social media ang kanyang mga larawan kung saan ay makikita na siya ay may buhat-buhay na sako ng carrots. Siya’y naging agaw-pansin sa mga netizens dahil sa kanyang angking kagwapuhan, at mula nga noon ay binansagan siya bilang si Carrot man.




Nakalakihang trabaho ni Jeric ang magtanim at magtinda ng carrots, dahil sa ito ay ang hanapbuhay ng kanyang pamilya sa Mountain Province kung saan ay kasama nga niya ang kanyang mga magulang at kapatid.

Photo Credit: carrot_bae/Instagram

Matapos ngang maging viral, ay nagkaroon ng mga guestings si Jeric sa telebisyon, ito nga ay dahil sa talagang hinangaan ng maraming netizens ang taglay niyang kagwapuhan.
Siya ay unang naitampok sa programa ng GMA-7 na Kapuso Mo Jessica Soho, at ang kuwento naman ng kanyang buhay ay isinabuhay sa programang Magpakailanman.

Photo Credit: carrot_bae/Instagram

Nabigyan ng pagkakataon si Jeric na maging panauhin sa Wowowee, at ng makita nga niya sa personal ang host nitong si Willie ay laking pagkamangha niya ng sabihin nito sa kanya na tutulungan siya nito sa kanyang pag-aaral hanggang sa kolehiyo.

Photo Credit: carrot_bae/Instagram

Instant nga ang pagiging sikat ni Jerin dahil sa kanyang naging viral na larawan. Ito din ang naging daan upang siya maging parte ng boyband na FAB4z, kung saan ay kasama niya si Jeffer Kim, Patrick Villanueva at Yuan Quiblat. Naging daan rin ang pagiging miyembro niya ng nasabing boyband upang siya ay makarating sa ibang mga bansa.

Photo Credit: carrot_bae/Instagram

Hindi naman naging matunog ang bandang FAB4z, kaya naman mas pinili ni Jeric na magsolo na lamang. Sa kabila nito ay patuloy pa rin naman ang pagtanggap niya ng mga guestings atnagmo-modelo pa rin siya.




Samantala, sa YouTube channel ni Jeric ay kanyang ibinahagi na ngayon, maliban sa kanyang pagiging modelo ay isa na rin siyang real estate agent, kung saan ay madalas nga siyang nagbabahagi ng mga video ng mga customized house projects at real estate properties sa kanyang social media platforms.

Mas lalo pa ngang kinagiliwan si Jeric ng mga netizens, dahil ayon sa mga ito nakakabilib ang binata, dahil kahit bihira lamang siyang makita ngayon sa telebisyon ay gumawa pa rin siya ng paraan kung paano siya kikita habang siya ay nag-aaral.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *