Sulyapan Ang Buhay sa New York Ni Aiza Marquez Bilang Isang Single Parent Ng Kanyang Mga Anak

Natatandaan niyo ba si Aiza Marquez? Isa siya sa mga teen star na sumikat noong dekada 90. Ngunit bago pa man siya naging isang teen star, ay nauna muna siyang aging isang commercial model sa edad niyang 12-taong gulang.




Dahil sa nakitaan siya ng ViVAz artists ng potensyal na maging isang artista ay kinuha siya ng nasabing ahensya bilang talent nito.

Photo Credit: msaizamarquez/Instagram

Siya ay napabilang noon third batch ng teen-oriented show na TGIS (Thanks God It’s Sabado) na umere noon sa telebisyon mulang taong 1995 hanggang 1999 kung saan ay nakasama niya angiba pang mga teen star rin noon na sina Anne Curtis, Vanna, Chubi, JR at Yves.

Photo Credit: msaizamarquez/Instagram

Noon ngang aktibo pa si Aiza sa showbiz, ay naugnay siya kay Gian Magdangal, isang singer at theater actor. Matatandaan rin na na-link siya kay Danilo Barrios, isa din sa mga dating aktor at miyembro noon ng Streetboys.

Photo Credit: msaizamarquez/Instagram

Iniwan ni Aiza ang kasikatan niya ng siya ay umibig, hanggang noong taong 2011 nga ay magdesisyon siyang manirahan sa bansang Amerika kasama ang kanyang naging asawa. Sila ay ikinasal noong taong 2013, ngunit hindi naging maganda ang takbo ng kanilang relasyon kaya naman hindi rin nagtagal ay nauwi ang pagsasama nilang mag-asawa sa hiwalayan.

Photo Credit: msaizamarquez/Instagram

Mula nga ng makipaghiwalay si Aiza sa kanyang dating asawa ay naging isa na siyang single parent ng kanilang dalawang anak, at mag-isa nga niyang itinataguyod ang mga anak niya ngayon.

Photo Credit: msaizamarquez/Instagram

Dalawa nga ang naging anak ng dating teen star sa kanyang dating asawa, isang babae at isang lalaki, ito nga ay sina Brooklyn Kate at Bryce Matthew.

Photo Credit: msaizamarquez/Instagram

Ayon kay Aiza, sa kabila ng naging paghihiwalay nila ng kanyang dating asawa at pagiging isa niyang single parent ngayon ay hindi naman umano siya nahirapan na palakihin ang kanyang dalawang anak. Dagdag pa niya, madalas din naman umanong binibisita ang kanyang mga anak ng ama ng mga ito sa bahay niya.

Photo Credit: msaizamarquez/Instagram

Samantala, makikita naman sa socmed account ni Aiza ang larawan kung saan ay mayroon siyang kasamang isang lalaking foreigner, ngunit hindi naman malinaw kung ang naturang lalaki nga ba ay karelasyon nito ngayon.

Photo Credit: msaizamarquez/Instagram

Hindi naman maikakaila na marami pa rin sa mga dati niyang tagahanga ang nakaka-miss sa kanya na makita siya sa telebisyon, kaya naman may mga nagtatanong kung may plano pa bang bumalik sa showbiz ang dating teen star.

Sinagot naman ito ni Aiza, nang siya nga ay makapanayam ng aktor na si Paolo Contis sa show na “Just In”. Ayon nga sa dating teen star, Malabo na umano na makapag-fulltime pa siya sa showbiz,

dahil sa mas prayoridad niya ngayon ang kanyang mga anak. Ibinahagi naman niya na pagdating sa mga guestings o kung magkaroon man ng reunion ay open umano siya rito at maaru siyang pumunta sa Pilipinas.




“It’s not gonna be full time anymore, especially when you have kids and if ever mangyari man yan, I don’t think I will stay in the Philippines tapos yung mga anak ko nandito (New York). Medyo malaking adjustment and maraming dapat i-consider especially now when you have kids.”

Noon ngang taong 2020 ay nagkaroon ng virtual reunion sa Zoom sina Aiza at ang mga naging kasamahan niya noon sa TGIS na sina Anne Curtis, Vanna, Chubi, JR at Yves. At sa naganap nga na online reunion nilang ito ay marami ang talaga namang naka-miss sa kanila.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *