Sulyapan Ang Groom Na Nakatanggap Ng Nakakatuwang Sorpresa Mula Sa Kanyang Mga Barkada Sa Araw Ng Kanyang Kasal

Sa mga couple ngayon na ikinakasal ay marami nga ang kaganapan bago ang kanilang kasal, kagaya na lamang ng prenup photo shoot, bridal shower o di kaya ay stag party. Isa pa nga sa mga ito ay ang tinatawag namang ‘First Look’m kung saan ito ang unang pagkakataon na masisilayan ng groom ang kanyang bride bago pa man sila humarap sa altar at magsumpaan ng kanilang pagmamahal sa isa’t isa.




Samantala, kamakailan nga lamang ay isang groom ang nakatanggap ng nakakatuwang sorpresa mula sa kanyang mga barkada sa araw ng kanyang kasal. Ang mga barkada nga ng naturang groom ay naghanda ng kakaibang ‘first look’ sa kasal ng kanilang kaibaigan.
Makikita sa Facebook page ng Amavi Studio ang nakakatuwa ngang pangyayari na ito. At sa naturang post ay tinukoy nga ang groom na si Brylle.

“First look… with a twist! Lablab gusy Shera and Brylle”, ang naging caption ng naturang Facebook post.Sa unang bahagi ng naturang video, ay makikita nga na habang nakatalikod ang groom ay nagiging emosyonal na ito, ngunit makikita nga sa video na imbis nga na ang masisilayan ng groom sa ‘first look’ ay ang kanyang bride, ay ang kaiabigan niya na lalaki na nakasuot din ng wedding gown ang nakaab sa groom pagkaharap nito.

Image Credit via Facebook

Kahit nga nakaharap na ang groom ay hindi niya pa rin napansin na hindi ang kanyang bride ang nakasuot ng wedding gown, ito nga ay dahil nakapikit pa siya ng humarap siya. Ngunit ng hinawakan na nga niya ang kamay nito at tinitigan na ito, ay laking gulat niya na isa sa mga barkada niyang lalaki ang nasa harap niya at ito nga ang nakabihis ng wedding gown.

Image Credit via Facebook

Na ‘It’s a Prank’ nga ang groom, kaya naman talagang napuno ng tawanan ang lugar. Napayakap pa nga ang groom sa kanyang mga barkada habang hindi mapigilan ang tumawa ng sobra dahil sa pangyayari.

Image Credit via Facebook

Ang video nga na ito sa Facebook ay umabot na sa mahigit 4-milyon ang views, kung saan ay maraming mga netizens nga ang talagang napahalakhak ng mapanood ito.
Narito naman ang ilan sa mga komento ng mga netizens;




“Proud na may mga barkada or frens to make u happy so proud all the memories that they made is unforgettable.” “Superb! It was a perfect plan! Amazing friendship.”
“Magkaroon ka ng dabarkads na ganito kakulet mag-isip. F na F pa naman ni groom bago maimulat ang mata. Make weddings memorable. Nakakahappy. Congrats sa newlyweds. Best wishes.”

Leave a Reply

Your email address will not be published.