Sulyapan Ang Ika-18th Taong Kaarawan Ng Unica Hija Ni Jessa Zaragosa Na Si Jayda

Isa ng ganap na dalaga ngayon ang unica hija ng mag-asawang Jessa Zaragosa at Dingdong Avanzado na si Jayda. Ang mag-asawang Jessa at Dingdong ay kilala sa industriya ng showbusiness bilang mga beteranong singer at composer.




Kaya naman hindi na rin nakapagtataka na ang kanilang kaisa-isang anak na si Jayda, ay taglay rin ang talento na pagkakaroon ng magandang tinig at pagkahilig sa musika.
Maliban pa sa kanyang talentong taglay, ay kahanga-hanga rin ang kagandahan ni Jayda.

Photo Credit: ajayda/Instagram

Samantala, noon ngang ika-28 ng Hunyo ay tumuntong na sa pagiging isang ganap na dalaga si Jayda Avanzado, dahil ipinagdiwang na nito ng araw na iyon ang kanyang ika-18 taong kaarawan. At sa sa espesyal na araw nga na ito sa buhay ni Jayda, ay isang eleganteng selebrasyon ang inihanda ng kanyang mga magulang.

Photo Credit: ajayda/Instagram

Naghanda ang mag-asawang Jessa at Dingdong ng isang masaya at eleganteng selebrasyon para sa ika-18 taong kaarawan ng anak nilang si Jayda, at ito nga ay naganap sa Okada Manila sa Paranaque.

Photo Credit: ajayda/Instagram

Dahil naman sa patuloy pa ring umiiral sa ating bansa ang ilan sa mga paghihigpit pagdating sa mga selebrasyon dahil sa [email protected], ay limitado nga lamang ang mga naging bisita sa kaarawan ng dalawa.

Photo Credit: ajayda/Instagram

Mga kapamilya at ilang malalapit na kaibigan nga lamang ni Jayda ang naging bisita sa pagdiwang na ito ng kaarawan ng dalaga. Ilan nga sa mga dumalo sa kaarawan ni Jayda na kanyang malalapit na kaibigan ay sina Francine Diaz, Bugoy Drilon, Robi Domingo at Inigo Pascual. May ilang mga personalidad rin sa showbiz na dumalo na malalapit na kaibigan naman ng kanyang mga magulang.

Photo Credit: ajayda/Instagram

Makikita naman sa YouTube channel ng Nice Print photography noong ika-2 ng Hulyo ang naging pagbabahagi nito ng isang video na kuha nga nila sa naging kaganapan sa naging pagdiriwang ng kaarawan ni Jayda.

Photo Credit: ajayda/Instagram

Ang nasabing video rin na ito ang tila naging pagpapasilip para sa mga tagahanga ni Jayda sa naging elegante ngang selebrasyon ng kaarawan ng dalaga. Sa video nga na ibinahagi ng Nice Print Photography ay makikita kung gaano kaganda si Jayda sa araw ng kanyang kaarawan. Mas lumitaw pa nga ang kagandahan niya dahil sa kanyang suot niyang gown na bagay na bagay naman talaga sa kanya.

Photo Credit: ajayda/Instagram

Tunay ngang napakaganda ng dalaga ngayon ni Jayda, at hindi maikakaila na namana niya ang kanyang kagandahan sa kanyang mga magulang, lalo na sa kanyang inang si Jessa Zaragosa na kahawig na kahawig nga niya.

Nagbigay mensahe naman si Jessa para sa kanyang dalaga ng anak, kasabay nga ng ginawang birthday toast para rito.

“I’m so proud of you anak, alam ko yung hardwork mo. Grabe! Bilib ako sa work ethics mo, lahat ng ginagawa mo. Andito lang kami lagi ni Dad sa likod mo. I love you, my baby”, mensahe ni Jessa sa anak.

Hindi rin naman nagpahuli sa pagbibigay ng mensahe ang daddy ni Jayda na si Dingdong Avanzado, kung saan ay isa ring matamis at nakakaantig na birthday message ang kanyang inilahad para sa kanyang unica hija na ngayon nga ay dalaga na.

Labis naman ang naging pasasalamat ni Jayda sa kanyang mga magulang dahil sa naging paghahanda ng mga ito upang gawing espesyal at masaya ang kanyang kaarawan. Nagapasalamat rin ang dalaga sa lahat ng mga taong dumalo sa kanyang kaarawan at nakisaya sa kanilang pamilya sa espesyal na araw na iyon ng kanyang buhay.




“Again, thank you, so much for being here tonight. It really means a lot to me.”,ani Jayda.
Si Jayda Avanzado ngayon ay isa sa mga rising stars ng henerasyon ngayon sa mundo ng showbiz. kamakailan nga lamang ay nagkaroon ang dalaga ng kauna-unahan niyang konsyerto at ito nga ay ang “Jayda in Concert”. Ngayon naman ay abala ang dalaga sap ag-promote ng kanyang debut album na “Bahagi.”

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *