Sulyapan Ang Kagandahan Ng Aktres Na Si Gelli de Belen

Kung ang pag-uusapan ay walang kupas na kagandahan, ay nabibilang nga sa mga ito ang actress-TV host na si Gelli de Belen. Magmula nga ng magsimula siya sa kanyang showbiz career noong dekada 80 hanggang sa ngayon ay makikita nga kay Gelli na tila hindi man lang nagbago ang kanyang hitsura, at nanatili ngang fresh young looking.




Sa edad nga na 48-taong gulang na ngayon ni Gelli at kahit ganap ng ina ng kanyang mga anak, ay kahanga-hanga pa rin nga na kanyang na-maitain ang kanyang toned body.
Matatandaan na nag-umpisa ang showbiz career ni Gellie noong taong 1989, ng siya nga ay mapabilang sa “That’s Entertainment” teen flick na Estudyante Blues, kung saan ay kanyang nakasama sina Raymart Santiago, Dingdong Avanzado, Vina Morales at Keempee de Leon.

Image Credit via Google

Hindi naman maikakaila na isa din si Gelli sa mga pinakamahuhusay na aktres ng kanyang henerasyon, kaya naman noong taong 1995 ay nakuha niya ang parangal ng Best Actress sa Gawad Urian dahil sa mahusay niyang paganap sa pelikulang ‘Secrets of Sarah Jane: Sana’y Mapatawad Mo’.

Image Credit via Google

Ilang mga pelikula din ang pinagbidahan niya, kung saan ay kanya ngang nakatambal ang mahusay at gwapong aktor na si Ariel Rivera, na siya rin nga niyang napangasawa.
Ikinasal si Gelli de Belen sa aktor na si Ariel Rivera at sa kabila ng maraming temptasyon at mga intriga sa mundo ng showbiz kung saan sila nabibilang na mag-asawa ay nagawa naman nilang mapanatiling matatag ang kanilang pagsasama, kung saan hanggang ngayon nga ay nanatili silang matatag at puno ng pagmamahal sa isa’t isa. Silang mag-asawa ay nabibiyaan ng dalawang anak na lalaki na sina Joaquin at Julio.

Image Credit via Google

Samantala, sa kabila nga ng ilang taon na ang lumipas mula ng kabataan ni Gelli de Belen, ay makikita naman na ngayon ay mas gumaganda pa nga ang aktres, at pagdating sa fashion ay talaga namang pasok na pasok ang kanyang kasuotan at tila nga mas bumabata pa siyang tingnan.




Dahil nga sa kagandahan, kaseksihan at husay sa pagdadala ngayon ni Gelli ng kasuotan na pabagets nga ng pabagets tingnan ay tunay ngang kahanga-hanga ang kanyang kagandahan at masasabi nga ang katagang ‘vampire beauty’ dahil sa tila nga hindi siya tumatanda. Dalawang taon na nga lang ang bibilangin at tutuntong na sa kanyang ika-50 taong gulang si Gelli, ngunit hindi ito bakas sa kanyang hitsura. Kung titignan nga siya ay tila nasa 30’s lang ang kanyang edad.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *