Sulyapan Ang Kahanga-Hangang Ganda Ni Dawn Zulueta Sa Kanyang Mga Throwback Photo

Isa sa mga aktres sa industriya ng showbiz na talaga namang walang kupas ang taglay na kagandahan mula noon hanggang ngayon, ay ang beterano ng aktres na si Dawn Zulueta.




Hindi nga maikakaila na sa kabila ng ilang taong pamamayagpag ni Dawn bilang isang mahusay na aktres, ay hindi pa rin nagbabago ang angkin nitong kagandahan, sa kabila nga na ito’y hindi na rin bumabata.

Photo Credit: dawnzulueta/Instagram

Noon ngang ika-23 ng Hulyo noong nakaraang taon, ay muling ibinida ni Dawn sa kanyang Instagram account ang kanyang walang kupas na kagandahan, sa pamamagitan nga ng pagpapakita ng kanyang mga throwback photo na nagpapakita ng kanyang natural na ganda at karisma, na hanggang ngayon nga ay taglay pa rin niya.

Photo Credit: dawnzulueta/Instagram

Kalakip ng nasabing mga throwback photo na ibinahagi ng aktres ay ang caption na;
“1988: Big hair, oversized shoulder pads, high heels?? .. What cool girls were wearing to parties in the #80s ? #throwbackthursday”, saad nga ni Dawn.

Photo Credit: dawnzulueta/Instagram

Makikita nga sa throwback photo na ibinahagi noon ng aktres, ang kanyang agaw-pansin na hairstyle, kung saan ito ay kulot at napakaraming volume na buhok. Sa kabila nga ng hairstyle na ito ni Dawn, ay lumitaw pa nga lalo ang kanyang natural na ganda, na hanggang ngayon nga naman ay taglay pa rin niya.

Photo Credit: dawnzulueta/Instagram

Ngayon nga ay 51-taong gulang na si Dawn Zulueta, ngunit sa kabila ng edad niyang ito, ay tila wala naman masyadong nagbago sa kanyang hitsura, kung ikukumpara ito sa mga larawan niya noong siya ay bata-bata pa.

Photo Credit: dawnzulueta/Instagram

Samantala, marami namang mga tagahanga ng aktres ang nagbigay papuri sa kanyang throwback photo, kung saan ay talaga namang inilahad ng mga ito kung gaano sila namamangha sa taglay na kagandahan ng kanilang idolo.

Photo Credit: dawnzulueta/Instagram

“No wonder na naging crush ng bayan kayo during ur times because of ur stunning beauty. Super ganda mula noon hanggang ngayon.” “Hindi pa rin kumukupas ang ganda mo mama Dawn.” “Kamukha mo po si Yassi Pressman.”

Photo Credit: dawnzulueta/Instagram

Mababasa nga sa ibang mga komento, na may ilan na nagsasabi na noong kabataan ng aktres, ay tila kamukha nito ang sikat ding aktres ng henerasyon ngayon na si Yassi Pressman.

Si Dawn Zulueta ay nagsimula sa kanyang showbiz career noong taong 1986. Sa loob lamang nga ng isang taon, matapos niyang magsimula sa pagiging isang artista, ay agad siyang nakapag-uwi ng dalawang major awards, ito nga ay ang Best Actress at Best Supporting Actress sa 1992 FAMAS Awards, kung saan sa lahat ng mga Pinoy artists, ay siya lamang ang nakagawa.

Lumitaw rin siya bilang isa sa mga Top 10 Filipina Actress of 1990 list of 1999 ng Manila Standard. Napangasawa ni Dawn Zulueta si Anton Lagdameo, kung saan ay halos 22-taon na ngang matibay ang kanilang pagsasama ng mag-asawa. Nabiyayaan na rin sila ng dalawang anak.




Napabilang nga si Dawn Zulueta sa mga beteranong actress, na talaga namang hindi malilimutan ng maraming mga manonood na Pilipino, dahil sa tumatak na sa marami sa atin ang kanilang angking husay bilang isang actress, at ang kanyang natatanging taglay na kagandahan na hinangaan nga ng marami sa atin.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *