Sulyapan Ang Kahanga Hangang Stylish Looks Ni Isabelle De Leon Ngayon Na Naninirahan Sa Bansang Amerika

Kilala ng publiko si Isabelle de Leon bilang isa sa mga child star na lumaki sa limelight, ito nga ay matapos niyang bumida sa drama series ng GMA noon na “Munting Anghel.” Mas lalo pa ngang nakilala ang aktres ng gampanan niya naman ang karakter bilang isa “Duday”, ang anak ng karakter ni Vic Sotto sa sitcom noon na Daddy DiDoDu.




Maliban pa sa mga ito, ay ilang mga proyekto at palabas din sa telebisyon ang kinabilangan ni Isabelle kung saan ay ipinamalas niya ang husay niya bilang aktres, kagaya na nga lamang ng Love to Love, Mulawin, Fantastikids, at Mga Mata ni Anghelita.
May mga karakter ding ginampanan noon si Isabel sa pelikulang Bahay ni Lola, Litsonero and Soliloquy, Magnifico, Padre de Pamilya, and Super-B, Sanib.

Photo Credit: isabelledeleontv/Instagram

Dahil sa taglay niyang husay at talento sa pagiging isang batang aktres, sa murang edad ni Isablle ay ilang mga parangal nga ang kanyang nakuha kagaya na lamang ng Best Child Actress awards ng gampanan niya ang karakter na “Helen”, isang batang may disability sa pelikula noon na Maginifico. Taong 2019 din ay nakoronahan bilang Miss Multinational Philippines si Isabelle, at dito nagsimula na din ang pag-transform niya bilang isang magandang dalaga.

Photo Credit: isabelledeleontv/Instagram

Samantala, ayon sa ulat, sa kasalukuyan ay nagpahinga nga si Isabelle sa kanyang showbiz career ito, dahil sa ngayon nga ay nasa bansang Amerika siya at inilalaan ang panahon sa kanyang pamilya na nasa nasabing bansa.

Photo Credit: isabelledeleontv/Instagram

Hindi naman maiwasan na ma-miss si Isabelle ng kanyang mga fans, lalo na ngayon na hindi nga nila ito napapanood sa telebisyon. Sa kabila naman nito, ay nagbibigay update pa rin si Isabelle sa mga tagasubaybay niya sa pamamagitan nga ng pagbabahagi niya ng kanyang mga travel photos at stylish OOTD’s sa kanyang social media account.

Photo Credit: isabelledeleontv/Instagram

Sa mga larawan nga ni Isabelle sa kanyang social media account ay makikita ang iba’t ibang mga nakakamangha niya OOTD’s sa mga naging pamamasyal niya sa mga magagandang lugar sa Amerika, kabilang na nga rito ay ang OOTD’s niya ng magtungo siya sa Universal Studios, Hollywood.

Photo Credit: isabelledeleontv/Instagram




Kamangha-mangha din ang ganda ng pangangatawan ngayon ni Isabelle, matapos nga lumabas ang kanyag larawan kung saan ay nakasuot siya ng edgy look outfit kung saan ay makikita nga rito ang taglay niyang abs. Maging ang simpleng summer dress na kulay pink ay bagay na bagay din kay Isablle.Tunay namang kahanga-hanga ang iba’t ibang mga OOTD’s ni Isabelle, at kitang-kita nga ngayon sa dating batang aktres ang pagiging blooming niya bilang ganap na dalaga.

Leave a Reply

Your email address will not be published.