Sulyapan Ang Kasalan Nina BoybandPH Member Tristan Ramirez At Kanyang Longtime Girlfriend Na Si IA Dela Cruz

Nito lamang ika-11 ng Oktubre ay pinakilig ng BoybandPH member na si Tristan Ramirez ang marami, ito ay matapos niyang ibahagi sa kanyang Instagram account ang isang larawan kung saan ay makikita ang kamay nila ng kanyang longtime girlfriend na si IA na suot-suot na ang kanilang wedding rings.




Sa caption nga na nakalakip sa kanyang larawan, ay sinasabi ng singer-actor na ganap na nga niyang misis ang kanyang longtime girlfriend, matapos niya itong tawaging “wifey.’
“Goodmorning, Wifey @iadelacruz #LoveTristanIA”

Photo Credit: boyband_tristan/Instagram

Talaga nga namang natagpuan na ni Tristan sa katauhan ng kanyang misis na ngayon na si IA ang kanyang “forever.” Samantala, sa ilang mga larawan pa ngang ibinahagi ni Tristan ay makikita naman ang official wedding photo nila. Ang naging pag-iisang dibdib nga nilag dalawa ay pribado at intimate, at ito nga ay ginanap sa Simbahan ng Iglesia Ni Cristo sa Cubao, Quezon City.

Photo Credit: boyband_tristan/Instagram

Ibinahagi rin ni Tristan sa kanyang IG post, ang kanyang labis na kasiyahan ngayon na ganap na nga niyang asawa si IA. Matatandaan na noong ika-4 ng Hulyo lamang inalok ng kasal ni Tristan si IA, at sa panahon na ito ay 3-taon na rin silang magkasintahang dalawa.
“Best day in my life. Thank you, God! I love you forever, My Wifey @iadelacruz”, ang naging pahayag ng ani Tristan.

Photo Credit: boyband_tristan/Instagram

Sa kabilang banda naman, si IA rin ay nagpahayag ng kanyang labis na kasiyahan sa kanyang Instagram account, ito nga ay dahil sa wakas ay makakasama na niya habang-buhay ang lalaking kanyang pinakamamahal.

Photo Credit: boyband_tristan/Instagram

“I found the one whom my soul loves. Thank you, God. I love you, my husband, and forever crush @boyband_tristan”, ang naging pahayag nga ni IA sa kanyang IG post.

Photo Credit: boyband_tristan/Instagram




Ilang mga kaibigan naman ng newly wed ang nagpaabot ng kanilang pagbati para sa mag-asawa. Kabilang na nga sa mga ito ay sina Dion Ignacio, Maymay Entrata, Darren Espanto at Sanya Lopez.

Si Tristan Ramirez ay nagsimula sa showbiz ng siya ay mapabilang sa sikat na Pinoy boyband group noon na BoyBandPH, samantala si IA dela Cruz naman ay kilala bilang kapatid ng MYX VJ at event host na si AI dela Cruz.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *