Kilalanin natin si Ria Mae Subong, ang panganay na anak ng popular na komedyante sa industriya ng showbiz na si Marietta Subong o mas kilala nga ng publiko bilang si Pokwang.
Agaw pansin nga ngayon sa social media si Ria Mae, ito ay dahil sa kanyang angking karisma at kagandahan. Marami ang humahanga sa dalagang half Japaneses-Filipina.
Matatandaan na bago pa man naging komedyante sa mundo ng showbiz si Pokwang, ay naging entertainer muna ito sa Japan, upang masuportahan ang kanyang pamilya na nasa Pilipinas. Doon na nga niya nakilala ang ama ang isang Hapon, na siyang ama ng panganay niyang anak.

Samantala, ngayon ay kasal si Pokwang sa asawa niyang American actor na si Lee O’Brian at sila ay mayroon na ring isang anak na babae, ito nga ay si Malia. Si Ria ay malapit sa asawa ng kanyang ina, at sa katunayan pa nga ay parang tunay na ama niya kung ituring ang mister ngayon ni Pokwang na si Lee O’Brian. Mahal na mahal din niya si Malia, ang kanyang nakababatang kapatid.

Sa isang panayam noon kana Ria Mae at Lee O’Brian ay ibinahagi nila ang maayos na turingan nila sa isa’t isa. ‘Sobrang s𝔲pportive niya po sakin tsaka yung eff𝔬rt talaga, pinakita talaga niya na kaya niya akong alagaan kahit hindi kami magkaano-ano,’ pahayag ni Ria.
Ayon kay Ria Mae, may mga pagkakataon na kapag may gusto siyang gawin at hindi pumayag ang kanyang inang si Pokwang ay ang kanyang itinuturing na ama na si Lee O’Brian ang tumutulong sa kanya.

Ipinapaliwanag umano nito kay Pokwang na may pagkakataon din na nais niyang maranasan ang ibang bagay, lalo na nga ngayon na siya’y dalaga na. ‘Kapag nagpaalam ako kay mama or may sinabi ako kay mama tapos hindi niya nagustuhan, siya yung magsasabi na parang ‘Okay, chill, it’s your d𝔞ughter. She’s not gonna be forever l𝔦ke a ch𝔦ld, ganun po yung mga sinasabi niya.

‘So parang bini-build niya ako na at some point kailangan ko rin maging mag-isa. So yun yung naging ano niya sakin, tulong niya.’ Matatandaan na naging tahanan ni Pokwang ang ABS-BN network sa loob ng 15-taon, ngunit noon ngang nakaraang Hunyo ay pumirma ito ng kontrata sa Kapuso network. Masaya at malaki naman ang pasasalamat ni Ria sa GMA network dahil sa tiwala na ibinigay nito sa kanyang ina.