Sulyapan Ang Malaking Pagkakahawig Ng Mag Inang Ruffa Gutierrez At Annabelle Rama Sa Kanilang Throwback

Ang actress-beauty queen na si Ruffa Gutierrez ay isa sa mga female artist sa mundo ng showbiz na nagtataglay ng kabigha-bighaning kagandahan. Hindi naman kataka-taka na sa murang edad niya ay tahakin niya ang pag-aartista, sapagkat ang kanyang mga magulang na sina Anabelle Rama at Eddie Gutierrez at parehong kilalang mga artista sa industriya.




Unang sumabak sa pag-aartista si Ruffa ng siya ay mapabilang sa programa noon na “That’s Entertainment”, at dahil sa nakakabilib niyang husay at talento sa pag-arte, idagdag pa ang kanyang taglay na kagandahan ay agad ngang gumanda ang takbo ng kanyang karera bilang isang aktres.

Image Credit via Google

Maliban sa kanyang talento ng pagiging isang artista, ay kinakitaan din ng potensyal si Ruffa na maging isang beauty queen, kaya naman sumabak din siya sa pagmo-modelo at pagsali sa mga beauty pageant. Taong 1993 ng sumabak siya Miss World pageant, kung saan siya ay hinirang bilang 2nd runner up.

Image Credit via Google

Mas marami pa ngang oportunidad ang nagbukas kay Ruffa ng siya ay maging 2nd runner up sa Miss World. Siya ay naging modelo ng ilang mga sikat at popular na magazine kagaya na lamang ng Preview, Metro Mega at iba pa. Naging host din siya ng mga popular na show noon katulad ng “The Buzz” at “Eat Bulaga.” Siya rin ay naging judge ng Philippines Next Top Model sa naging karanasan niya sa pageant at pagmomodelo.

Image Credit via Google

Sa kasalukuyan ay patuloy pa rin na namamayagpag ang karera ni Ruffa sa industriya ng showbiz. Siya nga ay napapanood natin ngayon sa Kapamilya noontine show na “It’s Showtime”, kung saan ay isa siya sa mga tumatayong judges ng segment nito.
Samantala, marahil ay batid naman ng marami sa atin na ang kagandahan at talento ni Ruffa ay kanyang namana sa mga magulang niya. Lalo na sa kanyang inang si Anabelle Rama na nagsisilbi n rin niyang Manager.

Image Credit via Google

Matatandaang ang ina ni Ruffa na si Anabelle Rama ay nakilala rin noon sa mundo ng showbiz bilang isa mga mga aktres na may pinakamagagandang mukha, dahil talaga namang napakaganda nito nung kanyang kabataan. Hindi naman kataka-taka na maging kahanga-hanga ang kagandahang taglay ni Anabelle Rama, sapagkat siya ay lahing Chinese at Spanish.

Image Credit via Google

Ilan sa mga naging proyekto ni Anabelle noon kung saan ipinamalas niya ang kanyang husay bilang isang aktres ay ang “Umaapoy na Bakal”, “Adiong Sikat ng Tondo”, “Love For Hire” at marami pa ngang iba. Tulad naman ng kanyang anak na si Ruffa, ay marami rin ang nabighani sa kagandahan ni Anabelle Rama noon, sa katunayan ay naging ‘cover’ din siya ng iba’t ibang mga magazines noon.




Kamakailan naman ay nagbahagi si Ruffa sa kanyang Instagram ng lumang larawan nila ng kanyang inang si Anabella, at dito nga ay maraming nakapansin na malaki ang pagkakahawig nilang mag-ina. Kahit naman marami ang nagsasabing magkahawig sila, para naman ng actress-beauty queen ay mas maganda at seksi pa rin noong kabataan nito ang kanyang ina.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *