Sulyapan Ang Marangyang Tahanan Ng Pamilya Ng Mag-Asawang Manny At Jinkee Pacquiao Sa General Santos City

Ang mag-asawang Manny at Jinkee Pacquiao ay kabilang sa mga popular na mag-asawa ngayon na talaga namang kilala ng maraming mga tao dahil sa karangyaan na tinatamasa ng kanilang buong pamilya, kung saan ito nga ay kanilang natamo mula sa kanilang pagsusumikap sa buhay, at pagpapakita ng kabutihan sa kanilang kapwa.




 

Tulad ng ibang mag-asawa ay marami ring mga pagsubok na pinagdaanan ang relasyon nina Manny at Jinkee, ngunit ito’y magkasama nilang nalampasan at ngayon nga ay patuloy silang nagsasama bilang magkatuwang sa buhay.

Image Credit via YouTube

Dahil nga sa hirap at ginhawa ay magkasama ang mag-asawa, ay magkasama rin nilang nakamit ang tagumpay sa buhay na kanilang pinapangarap, kung saan maliban sa pagkakaroon nilang dalawa ng masagana at marangyang pamumuhay, ay nabiyayaan pa sila ng Diyos ng limang mga anak.

Image Credit via YouTube

Batid nga natin kung gaano umaapaw ang biyaya sa pamilya nina Manny at Jinkee, at ito nga’y hindi nakapagtataka dahil na rin sa kanilang mababang loob at matulungin sa kapwa.

Image Credit via YouTube

Samantala, ilan nga sa mga nakamit na tagumpay ng mag-asawa sa kanilang buhay ay ang mga properties at investment na kanilang naipundar, at isa na nga sa mga ito ay ang napakarangya nilang tahanan na matatagpuan sa General Santos City.

Image Credit via YouTube

Makikita sa video vlog ni Jinkee Pacquiao sa kanyang YouTube channel ang naging pagpapasilip niya ng kanilang napakalaki at napakarangyang mansion sa GenSan, kung saan maliban sa karangyaan nito ay makikita pa ang pagiging malawak ng bakuran nito na napapaligiran ng mga iba’t ibang uri ng puno’t halaman.

Image Credit via YouTube

Ipinakita nga ni Jinkee ang ilang bahagi ng kanilang napakalaking tahanan, kagaya na nga lamang ng kanilang living at entertainment area, kung saan nga makikita na ito’y mayroong mga nag-gagandang mga kagamitan.

Kapansin-pansin din ang maraming nga artworks na nakadisplay bahagi na ito ng kanilang tahanan, kung saan ayon nga kay Jinkee noon pa man ay talagang mahilig na siya maglagay ng mga larawan sa frame at i-display ang mga ito..

Image Credit via YouTube

Pagdating naman sa labas ng tahanan, ay ipinakita ni Jinkee ang kanilang swimming pool area kung saan ay dito umano sila madalas tumambay at mag-bonding magpamilya, lalo na nga tuwing panahon ng summer o tag-init.

May makikita rin na malaking bahay sa tabi nito, na siya ngang nagsisilbing ‘guest house’ ng pamilya. Ibinahagi rin ni Jinkee, na mayroon silang ipinagawang gym at basketball court sa kanilang bakuran, dahil ang kanya ngang asawang si Manny at kanilang mga anak na lalaki ay mahilig sa paglalaro ng basketball.

Video Credit: Jinkee Pacquiao/YouTube

Kahit naman maikli ang naging pagpapasulyap ni Jinkee ng kanilang tahanan sa GenSan ay masasabi nga natin sa mga bahagi nito na ating nasilayan na ito ay isang napakarangyang tahanan.




Tinapos naman ni Jinkee ang naturang video sa pamamagitan ng pagbibigay payo kung paanong mapapanatiling matatag ang pagsasama ng isang mag-asawa, kung saan ayon nga sa kanya ay mahalaga ang pagmamahalan, nahabang pagpapasenysa at siyempre ang ang walang humpay na pagtitiwala sa Panginoong Diyos.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *