Si John Carlo De Vera o mas nakilala ng publiko sa industriya ng showbusiness bilang ang mahusay, talentado at gwapong aktor na si JC De Vera, ay talaga naman na isa sa mga hunk actor na hinahangaan ngayon.
Hindi maikakaila na sa kanyang ipinamamalas na husay sa kanyang mga nagiging proyekto ay marami ang mas lalo pang bumibilb sa kanyang talento bilang isang aktor. Matatandaan nga na isa sa mga naging mahusay niyang pag-ganap ay ng mapabilang siya sa Kapamilya serye na “The General’s Daughter” na umere sa telebisyon noong taong 2019.

Samantala, ngayon nga ay hindi lamang sa pagiging isang mahusay na aktor hinahangaan ng marami si JC, dahil maliban pa dito ay isa rin siyang mabuting asawa at responsableng ama sa kanyang anak.

Ayon nga mismo sa aktor, simula ng siya ay magkaroon ng kanyang sariling pamilya, ay malaki ang nabago sa kanyang buhay. Dahil kung noon ay nakatuon lamang ang atensyon niya sa pagtatrabaho, ngayon ay nakatuon na ito sa kanyang pamilya at sa mas lalo pa niyang pagsusumikap sa trabaho upang mabigyan ng maayos at magandang buhay ang pamilya niya.

Sa ngayon nga ay masaya ang buhay may pamilya ng aktor na si JC De Vera, sa piling ng kanyang non-showbiz wife na si Rikka Alyssa Cruz. Silang dalawa ay mayroon na ring isang anak, at ito nga ay si Lana Athena na mas nagbigay pa ng saya at kulay sa pagsasama nilang mag-asawa.

Taong 2018, buwan ng Mayo ng isinilang ang anak ni JC De Vera na si Lana Athena, na ngayon nga ay ganap ng tatlong taong gulang. Si JC at ang kanyang non showbiz wife na si Rikka ay naunang nagpakasal sa civil wedding ceremony bago pa man isinilang ang anak nilang si Lana, at kamakailan nga lamang ay inanunsyo ng aktor na susunod na magaganap ay ang kasal nila sa simbahan ng kanyang asawa.

Minsan na ngang naibahagi ni JC sa panayam sa kanya noon kung ano ang nararamdaman niya ngayon na siya ay may sarili ng pamilya. Ayon sa aktor ay malaki ang pasasalamat niya dahil sa nabigyan siya ng pagkakataon na magkaroon ng sarili niyang pamilya, at mas lalo pa ngang naging makulay at masaya ang kanyang buhay ng ipagkaloob sa kanila ang anak nilang si Lana.
Naibahagi rin ng aktor, na ngayon na siya’y mayroon ng sariling pamilya, ay tapos na siya sa kanyang buhay binata at mga night life, dahil ang oras at panahon niya ay mas nais niyang ibuhos sa kanyang asawa at anak.
Sa social media ni JC ay madalas makikita ang pagbabahagi niya ng mga larawan ng kanyang masayang pamilya, lalo na ang mga bonding moments nila. Makikita rin na bilang mga magulang ay talagang ibinibigay nina JC at Rikka ang buong atensyon nila sa kanilang anak na si Lana.
Matatandaan naman na ang naging pagbubuntis at pagsilang ni Rikka sa anak nila ni JC na si Lana ay naging pribado, at saka lamang ito isinapubliko ni JC matapos ang dalawang buwan. Isinilang ni Rikka si Lana ng buwan ng Mayo taong 2018, at ibinahagi ng aktor ang pagiging isa niyang ganap na ama at pagkakaroon na nga ng anak ay buwan na ng Hulyo ng kaparehong taon.