Sulyapan Ang Masaya At Simpleng Pamilya Ngayon Dating Child Star Noong Dekada 90 Na Si Agatha Tapan

Noong dekaka 90 ay isa sa mga sumikat na child star sa mundo ng showbiz si Agatha Tapan. Siya ay napabilang sa ilalim ng ABS-CBN network, kung saan ay naitampok siya sa maraming mga proyekto at teleserye sa telebisyon.




Marahil kung ikaw ay isang batang 90’s ay naalala niyo pa siya, at nasaksihan niyo sa mga proyektong kinabilangan niya kung gaano siya kahusay bilang isang batang artista.

Image Credit via Google

Si Agatha Tapan ay mas nakilala ng publiko, ng ipamalas niya ang kanyang talento bilang isang child star ng mapabilang siya sa serye noon na “Mara Clara”, na pinagbidahan nina Gladys Reyes bilang si Clara at Judy Ann Santos naman bilang si Mara. Si Agatha naman ay gumanap bilang si Denise sa nasabing telserye.

Image Credit via Google

Ang “Mara Clara” ay matatandaan na umere sa telebisyon noong ika-17 ng Agosto taong 1992 hanggang ika-14 ng Pebrero taong 1997. Ilang taon ngang namayagpag sa telebisyon ang Mara Clara, kung saan ito nga ay isa sa mga longest-teleserye na umere sa Pilipinas.

Image Credit via Google

Maliban sa Mara Clara, ay marami pa ngang kinabilangan na proyekto si Agatha, kung saan ay mas ipinamalas niya pa ang kanyang husay bilang isang batang aktres. Siya ay napabilang sa remake ng Vilma Santos Trudis Liit, Barumbado, Once Upon a Time, at pelikula na Kahit Minsan Lang.

Image Credit via Google

Matapos ang ilang taon na pamamayagpag sa kanyang karera bilang isang child star, hindi nagtagal ay mas pinili ni Agatha na magbalik sa kanyang pag-aaral at iwan ang showbiz career niya.

Image Credit via Google

Nakapagtapos siya ng kursong AB Communication sa De La Salle University sa Dasmarinas, at matapos nito, siya ay nagtarabaho bilang Business Development Analyst sa ANC noong 2010.




Sa kasalukuyang nagtatrabaho bilang FWD Financial Wealth Planner si Agatha, at siya rin ay mayroon ng sarili niyang pamilya ngayon. Siya’y ikinasal kay Romel Galiza, at ang masayang pagsasama nilang mag-asawa a biniyayaan na rin ng isang sanggol na babae ilang buwan lamang matapos silang ikasal.

Kahit naman tinalikuran ng dating child star ang kanyang karera sa mundo ng showbiz , ay makikita naman sa kanyang tinatahak na buhay ngayon na masaya siya sa pinili niyang landas kung saan ay kapiling nga niya ang kanyang asawa at anak.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *