Sulyapan Ang Masayang Bakasyon Ng Mag-Asawang Jessa Zaragoza At Dingdong Avanzado Sa Amerika

Marami sa atin ang mahilig ang magtravel para maka-experience ng iba’t ibang mga adventure sa ating buhay, kung saan ay may mga bagay tayong matutunan o di kaya naman ay may mga mababaon tayong mga masasayang alaala sa mga travel at adventure na ating ginagawa.




Samantala, nito lamang nakaraan ay nag-travel ang mag-asawang Jessa Zaragoza at Dingdong Avanzado kasama ang kanilang unica hija na si Jayda. Sa pamamasyal na ito ng pamilya, ay ipinakita ni Jessa ang kanyang adventurous side matapos nga niyang subukan ang sumakay sa kabayo.

Photo Credit: jessazaragoza/Instagram

Ibinahagi ni Jayda ang larawan niya kung saan siya ay nakasakay sa kabayo, at ito nga ay nilakipan niya ng caption na; “What an amazing experience to be able ride a horse.”

Photo Credit: jessazaragoza/Instagram

Dagdag na saad pa niya, “Akala ko nung una, parang experience ko lang sa Baguio, konting oras ng sakay lang tapos may guide na malapit lang sayo, tinuturuan ka. Gosh, itong ginawa naming we rode the horses for 3 miles! Basically, you were left to your own devices.”

Photo Credit: jessazaragoza/Instagram

Ayon sa mahusay na singer, inakala niya na ang magiging karanasan niya sa pagsakay sa kabayo ng pagkakataon na yu’n ay pareho lang sa naging karanasan niya sa Baguio kung saan ay saglit lang siyang sumakay habang may isang taong nagga-guide sa kabayo. Kaya naman talagang inkinabigla niya ng milya-milya ang nilakbay niya habang nakasakay sa kabayo.

Photo Credit: jessazaragoza/Instagram

Ibinahagi naman niya na sa kabila ng walang nakaalalay sa kanya ng malapit habang siya ay nakasakay sa kabayo ay mayroon naman silang guide na si Brooke, na siya ngang nagbibigay ng tamang ‘tips’ kapag may napansin itong hindi tama sa mga ginagawa nila habang sila’y nakasakay sa kabayo.

Photo Credit: jessazaragoza/Instagram

Dagdag na pahayag pa ni Jessa, hindi niya ma-explain ang “extraordinary” na kanyang nararamdaman ng pagkakataon na ‘yon, ngunit happy naman umano siya dahil nakapag-bonding silang magpamilya.

Ikinuwento din niya ang naging kaba niya habang siya ay nakasakay sa kabayo na ang pangalan nga umano ay “Luke”. “Just imagine my nerves during the whole time. Minsan nag-aalburuto pa tong horse kong si Luke.”




“Pag naiinis siya nagiging pasaway! Haha pinagpawisan ako kay Luke sa Troth after, after ng ride feeling ko nag-workout ako ng bonggang bongga. But the whole experience was one of the books. Nerves and Happiness combined”, ani Jessa.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *