Sulyapan ang Masayang Bonding Moments ng Mag-amang Billy Crawford at Baby Amari

Isang masayang bonding moments ng kanyang mag-ama, ang ibinahagi ni Coleen Garcia, kung saan ay makikita ang nakakapanggigil na tawanan at kantahan ng kanyang asawa na si Billy Crawford at ng kanilang anak na si baby Amari.




Dahil sa isang kilalang TV host-singer si Billy Crawford, ay bahagi ng kanilang bonding moments ang palaging pagkanta ni Billy, kay baby Amari ng favorite song nito, na kung saan ito rin ang kanyang kinakanta noong mga panahon na nasa loob pa ng tiyan ni Coleen si baby Amari.

Photo Credit: coleen/Instagram

Ang kanta ngang ito na palaging kinakanta ni Billy para kay baby Amari, ang nagsisilbi na ngayon na “Happy Song” ng mag-ama. Dahil sa tuwing kinakanta ito ng TV host-singer ay mapapansin ang panaka-nakang pagngiti ni baby Amari, habang titig na titig sa kanyang daddy.

Photo Credit: coleen/Instagram

Sa video nga na ibininahagi ni Coleen ay makikita kung gaano ka-enjoy si Billy habang kinakantahan ang kanyang cute na cute nilang anak na si Baby Amari.

Photo Credit: coleen/Instagram

Mula naman sa cute na reaksyon na ito ni baby Amari, ay tiyak na panggigilan rin ng sinomang makakakita sa kanya, ang kanyang cute na mga pisngi at mahahawa sa kayang munting mga halakhak.

Photo Credit: coleen/Instagram

Bukod naman sa pagiging cute ni Baby Amari, ay isa pa sa nagbibigay aliw sa mag-asawang Billy at Coleen ay ang kanilang alagang aso na Tamomo.

Photo Credit: coleen/Instagram

Makikita nga na habang aliw na aliw si Billy sa pakikipag-bonding sa kanyang anak na si baby Amari, ay sa kanyang kaliwang bahagi ay naroon si Tamomo , na mapapansin na tila nagseselos at parang gusto rin magpakanta sa TV host-singer.




Hindi naman napigilan ng ilang netizens na nakakita ng video na ito ng mag-ama, na matawa at maaliw sa ipinakitang reaksyon ng aso ng mag-asawang Coleen at Billy na si Tamomo.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Coleen Garcia Crawford (@coleen)

Narito nga ang ilan sa mga naging reaksyon ng mga netizens; “Yung dog nakatingin lang. Nagseselos.” “lagi kong nakikita yung doggo ang cute, nagseselos ata sya.” “Selos na selos na si doggy! Hahaha cutee.” “Nay nainggit sa likod. ” “Super cute ng aso parang nagseselos eh ” Si baby Amari ay isinilang ni Coleen Garcia, sa pamamagitan ng water birth delivery noong ika-10 ng Setyembre 2020.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *