Sulyapan Ang Masayang Bonding Moments Ni Assunta de Rossi At Ng Kanyang Napaka Cute Na Baby Girl

Tuwing sasapit ang buwan ng Mayo, isa sa mga espesyal na araw na ipinagdiriwang ng buong mundo ay ang “Mother’s Day” kung saan atin ngang binibigyang pugay ang kasipagan, at kadakilaan ng mga ilaw ng tahanan.




Kamakailan nga lamang ay ipinagdiwang ng marami sa atin ang Mother’s Day, kung saan muli nga nating kinilala ang mga ina ng tahanan na walang sawang ibinubuhos ang kanilang buong lakas at pagmamahal para sa kanilang pamilya.

Photo Credit: assuntaledesma/Instagram

Kung marami nga sa atin ang nangangarap na magkaroon ng maunlad na buhay, mayroon namang iba na ang tanging hiling lamang ay ang magkaroon ng isang buong pamilya, o mga babae ngang nangarangarap na mabigyan ng pagkakatao na maging isang ganap na ina. Batid natin na hindi lahat ng kababaihan ay nabibigyan ng pagkakataon na maging isang ina, kaya naman tunay na biyaya ito para sa mga babae na mayroon ng anak.

Photo Credit: assuntaledesma/Instagram

Samantala, ang aktres na si Assunta de Rossi-Le Desma ay isa lamang sa mga kababaihan na nabigyan ng pagkakataon na maging isang ina. Matagal man ang naging paghihintay niya na magkaroon ng anak, ay malaking pasasalamat nga niya na ipinagkaloob sa kanya ang ganito kalaking biyaya.

Photo Credit: assuntaledesma/Instagram

Ang pagdating nga ng kanyang anak na si Baby Fiore ang pinakamagandang pangyayari para kay Assunta dahil hindi lamang kasiyahan ang naidulot nito sa buhay niya kundi ito rin ang nagbigay sa kanya ng pagkakataon na maging isang ganap na ina.

Photo Credit: assuntaledesma/Instagram

Magmula nga ng dumating sa kanyang buhay si Baby Fiore ay naging hands-on mom na si Assunta, kung saan madalas nga niyang ibinabahagi ang mga masasayang moments nila ng kanyang anak at maging ang mga achievement nito bilang isang toddler.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Sammy Whammy (@assuntaledesma)

Makikita rin sa social media ng aktres ang madalas niyang pagbabahagi ng mga cute na larawan ng kanyang anak, kung saan ilan nga sa mga ito ay mga happy bonding nila. Ilan nga rito ay ang naging pamamasyal nila sa beach, ang naging pag twinning outfit nila noong nakaraang araw ng mga puso at ang pinaka-latest nga sa lahat ay ang naging masayang Joyride nila sa People’s Park sa San Carlos City, Negros Occidental kung saan makikita nga kung gaano nag-enjoy si Baby Fiore.




Tunay namang walang makakapantay sa pagmamahal ng isang ina sa kanyang anak, at mas doble pa nga ang kasiyahan na nararamdaman nito sa tuwing nakikita niyang masaya ang anak niya, at ganito nga ang nararamdaman ni Assunta kapag nakikita niya ang kasiyahan sa mga ngiti ng anak niyang si Baby Fiore.

Leave a Reply

Your email address will not be published.