Sulyapan Ang Masayang Buhay May Pamilya Ni Kapamilya Actor Joross Gamboa

Si Joross Gamboa ay isa sa mga mahuhusay na aktor sa showbiz. Una siyang nakilala ng publiko ng maging isa siya sa mga kalahok ng talent search show ng ABS-CBN na ‘Star Circle Quest.’




Ang kanyang karera sa pag-aartista ay nagsimula naman ng maging isa siya sa mga talent ng Star Magic, hanggang sa ito na nga ang naging daan upang mabigyan pa siya ng pagkakataon na magkaroon ng marami pang mga proyekto sa telebisyon.

Photo Credit: joross_gamboa/Instagram

Sa kasalukuyan naman, si Joross ay mayroon ng sarili niyang pamilya, at kamakailan nga lamang ay proud na ibinahagi ng aktor sa kanyang social media account ang masasayang larawan nila ng kanyang pamilya,

Photo Credit: joross_gamboa/Instagram

na kuha sa pagdiriwang ng quarantine birthday ng kanyang asawang si Katz Saga Gamboa. Maliban pa dito, ay ipinasilip rin niya ang naging masayang pagdiriwang nilang magpamilya ng kaarawan ng ilaw ng kanilang tahanan.

Photo Credit: joross_gamboa/Instagram

Kalakip ng larawan na ito, ay ang naging pagbati ni Joross sa kanyang misis na si Katz.
“Happy birthday @katz_gamboa from @jacekylergamboa @johnkodygamboa @joross_gamboa We Love You So Much! Mwuah!! Mwuah!!Mwuah!!”

Photo Credit: joross_gamboa/Instagram

Ipinakita rin ni Joross sa kanyang IG post ang solo picture ng kanyang asawang si Katz, kung saan ay makikita nga ang taglay na kagandahan nito na nakabighani sa kanya. Si katz ay nakasuot ng “happy birthday” headband sa nasabing larawan.

Photo Credit: joross_gamboa/Instagram

Makikita rin sa ilan pang mga larawan na ibinahagi ni Joross, ang naging masayang pagdiriwang nilang magpamilya ng kaarawan ni Katz. Kasama nga nilang mag-asawa sa mga larawan ang dalawang anak nila na sina Jace Kyler at John Kody.

Simple man ang naging pagdiriwang ng kaarawan ni Katz, ay makikita naman sa misis ni Joross kung gaano ito kasaya sa naging sorpresa sa kanya ng kanyang asawa’t mga anak, kung saan ay nag-effort ang mga ito na gumawa ng simpleng dekorasyon para sa nasabing okasyon.




Samantala, matatandaan na si Joross at Katz ay nagkaroon ng long-time relationship bago pa man sila ikinasal noong taong 2014. Ang kanilang pagsasamang mag-asawa ay nabiyayaan naman ng dalawang mga supling, kung saan ang mga ito nga ay panay lalaki.

Ang panganay nila ngayon ay 5-taong gulang na, at 3-taong gulang naman ang bunso.
Kahit naman bihira ng magkaroon ng mga proyekto si Joross sa telebisyon, ay ayos lamang naman umano ito sa aktor. Dahil ayon nga sa kanya, ngayong panahon ng [email protected], ay mas mahalaga na kasama niya ang kanyang pamilya.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *