Sulyapan Ang Masayang Buhay Ni Karen delos Reyes Sa Kabila Ng Pagiging Isang Single Mom

Ikaw ba ay batang 90’s? Dahil kung ‘oo’ marahil ay matatandaan niyo pa ang iconic commercial noong 2001 ng McDonald’s kung saan ay gumanap bilang apo ng isang lolo si Karen delos Reyes. Maaalalang ang nasabing commercial na ito ng McDonald’s ay talagang mayroong nakakaantig na istorya, kung saan ang kuwento nga ay umiikot sa mag-lolo na ginampanan nga ni Karen bilang ang apo, at bilang Lolo naman si Rudy Francisco.




Ang istorya nga nito ay patungkol sa isang lolo na makakalimutin na madalas ngang natatawag na ‘Gina’ ang kanyang apo, imbis na ang pangalan nito na ‘Karen’.
Dahil sa naging magandang takbo ng kuwento ng commercial ay marami nga sa mga manonood ang talaga namang naantig ang damdamin. Sa huling bahagi kasi ng kuwento ng commercial ay nasabi na ng lolo ng tama ang pangalan ng kanyang apo na si Karen, at bukod pa rito ay nagawa pa niya itong tirhan ng kanyang kalahating burger at sinabi pa nga na ito ay para sa kanyang ‘paboritong apo.’

Image Credit via Instagram

Samantala, naging daan naman kay Karen delos Reyes ang nasabing commercial ng McDonalds para siya’ makilala ng marami, lalo na nga’t tumatak sa publiko ang kanyang naging karakter. Nagkaroon siya ng ilang mga proyekto sa telebisyon pagkatapos ng commercial niyang ito sa McDonald’s. Kabilang sa mga naging TV shows na kanyang kinabilangan ay ang “Click’ isa sa mga sikat na youth-oriented show noon ng GMA 7 kung saan ay nakatrabaho niya sina JC De Vera, Angel Locsin, Richard Gutierrez, Alexandra De Rossi, Jake Cuenca at marami pa ngang iba.

Image Credit via Instagram

At dahil sa naging pagpapamalas ni Karen ng kanyang angking husay at talento sa pag-arte ay nagkaroon siya ng sunod-sunod na proyekto. Matatandaa na isa sa mga malaking proyekto na kanyang kinabilangan ay ang Kapuso fantaserye na “Mulawin” na umere sa telebisyon noong taong 200 kung saan ay ginampanan niya ang karakter bilang si Savannah Montenegro.

Image Credit via Instagram

Nagtuloy-tuloy ang karera ni Karen sa showbiz hanggang taong 2016, at huli nga siyang napanood sa comedy show na “Dear Uge” matapos niyang mag-lie low sa showiz ng kaparehong taon din. Taong 2017 naman ay dumating sa buhay ni Karen delos Reyes ang isang magandang biyaya, at ito nga ay ang kanyang unico hijo na si Gabriel Lucas. Ayon sa mga lumabas na ulat, ang tatay ng anak ni Karen ay isang non-showbiz personality.

Image Credit via Instagram




Ngayon nga ay masayang namumuhay si Karen malayo sa mundo ng showbiz, kasama ang kanyang anak. At kahit isang malaking hamon ang pagiging mag-isa niya sa pag-aaruga ng kanyang anak bilang isang single mother ay masisilayan kay Karen ang kaligayahan sa buhay dahil sa kapiling niya ang anak niyang si Gabriel Lucas.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *