Noong nakaraang taong, buwan ng Setyembre ng lumipad patungong Amerika ang aktres na si LJ Reyes at dalawa nitong anak na sina Aki at Summer, ito ay matapos nga ang naging kontrobersyal na hiwalayan nila ng 6-taon niyang partner na si Paolo Contis.
Sa bansang Amerika nga napiling magtungo ni LJ dahil sa bansang New York nga naka-base ang kanyang ina at kapatid.
Samantala, halos ilang buwan na rin ngang nanatili sa New York si LJ at ang kanyang dalawang anak, at kamakailan nga lamang ay ipinagdiwang nila doon ang “Thanksgiving”, kung saan ibinahagi nga niya sa kanyang Instagram account na sa kabila ng mga pinagdaanan at hindi magandang nangyari nitong mga nakaraan sa kanyangb buhay ay marami pa rin siyang dapat ipagpasalamat.

“So much to be grateful on our first Thanksgiving!”, ani LJ sa kanyang IG post.
Magmula nga ng dumating sa Amerika ang aktres kasama ang kanyan mga anak, ay tila ninais nito na magsimula silang muli at mas magkaroon ng mas maganda at masayang buhay sa kabila ng pinagdaanan niyang heartbreak sa Pilipinas. Madalas ngang magbahagi si LJ ng mga larawan nila ng kanyang mga anak na ine-enjoy ang mga moments nilang mag-ina.

Makikita nga sa isang larawan na ibinahagi ng aktres, ang larawan niya kasama ang dalawa niyang anak, kung saan sa caption nga ay kanyang sinabi na tila siya ay lumiit, ngunit ang nais nga niyang sabihin ay ang mabilis na paglaki ng dalawa niyang anak.

“Parang lumiliit ako! Or lumalaki lang sila! ‘Di ako sure!”, saad nga ni LJ sa kanyang post.
Kahit nga ano pa man ang naranasan at pinagdaanan niya sa buhay, ay hindi nawawala ang tiwala ni LJ sa Poong Maykapal na magiging maayos din ang lahat sa buhay nilang mag-ina. Ipinangako din ng aktres na “through thick or thin” ay magiging matatag siya para sa kanyang mga anak na sina Aki at Summer.

Samantala, sa isang IG post ay ibinahagi nga ni LJ ang naging pag-enjoy nila ng kanyang mga anak sa park, at dito nga ay kanya namang pinatunayan na lahat nga ay gagawin niya sa ikasisiya ng kanyang mga anak. “The day they decided to play in the park with a freezing weather!!! pero para sa kanila kakayanin ko — ang lamig!!! Haha!”, saad ni LJ.

Sa kabila nito ay ibinahagi din ng celebrity mom na nami-miss din niya ang maglaro sa perya sa Pilipinas, at nais nga din niyang iparanas sa mga anak niya ang kasiyahan sa pagdayo sa carnival at maglaro ng iba’ t ibang mga larong perya.
Ibinahagi naman ni LJ na sa lahat ng kanyang pinagdaanan, ay hindi lamang ang mga anak niya ang nagiging inspirasyon niya para magpakatatag, kundi maging ang mga taong sumusuporta sa kanya.
“On my journey to finding a better version of myself! It’s not easy at all,” LJ confessed in an Instagram post. She added a message to her fans, “Honestly, you have inspired me more than I have inspired you!”